61

84 0 0
                                    

tahimik na nakaupo
pinagmamasdan kang tumatango
sa kanilang mga sinasabi
napapaisip nalang kung bakit
sunod-sunuran sa kanilang naisin‚

kahit sarili’y lunurin
magawa lang ang kanilang tinuran
kahit sarili’y kalimutan
gagawin kapag naatasan‚

mga bagay na taliwas sa kaligayahan
oh, bakit nga ba sunod sa kanilang layaw?
upang patunayan ang sarili’t matuwa sa
iyo kahit minsan lang?

hindi paba sapat mga sakripsyong ginawa
upang makitang sinusubukan mo naman
lahat para sa ikasasaya nila?
bakit kailangang laging patunayan
kung sa katunayan‚ sa angking kagalingan
sa anumang larangan‚ ang iba’y napapahanga

ngunit ikaw ay natutulala
at nalulula sakanilang mga salita–
sa mga taong walang ibang ginawa
kundi kutyain ka’t ipamukha
sa iyo na walang bago‚ na kahit anong gawin mo
ay hindi ka aangat at lahat ay munti lamang na pangarap.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon