57

137 2 0
                                    

kay dami ng pinagdaanan
kahit sa pagmamahalan
natuto na sa bawat ihip ng hangin
kung hindi talaga ako ang bulong ng ’yong damdamin

ay hindi na talaga dapat pang ipasigawan
sa harap ng kalahatan
na ikaw ang aking mahal
sapagkat wala ring silbi

kung ako at ako na lamang palagi
pagmamahalang hindi kayang maipaglaban
ni simulan man ay tapos na
sumibol man ang maraming kapanahunan

siguro kailangan lang talagang tanggapin
na ano mang bagay na hindi talaga itinadhana
magsama man ng matagal
maghihiwalay rin pagdating ng araw

siguro kailangan lang maghintay
nang tamang panahon
hanggang sa handa na muli’t makaahon.

____

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now