11

778 7 0
                                    

.// Untitled ///.

Aking sinta,
kung sasabihin ko ba sayo
na mahal pa kita,
tatanggapin mo ba?

kung sasabihin ko ba sayo na,
hanggang ngayon ay di ka malimot at
maalis sa isipan ko,
maniniwala ka ba?

mahal ko, di mo naman masisisi yaring puso ko,
sapagkat kailan lamang ng tayo'y magkalayo,
kailan lamang ng ako'y Iwan mo,

ewan nga ba't itong puso ko,
tila ang sinisigaw ay iyan paring pangalan mo,
nilimot mo na ba ang mga sandaling ating pinagsamahan?

ilang buwan lamang mula ng iwan mo,
sa palagay mo ba'y lubusan ka nang limot nitong puso ko?
sa tingin ko nga ay masaya ka na nang wala ako,

ngunit sinta, handa pa kitang tanggapin,
sa kung sakaling babalik ka
masyado man nga akong umaasa,
pero ganoon talaga siguro kapag mayroon kang sinisinta.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now