52

146 0 0
                                    

aking sinta‚
dumaan man ang
maraming siglo
ikaw at ikaw parin ang mamahalin ko

hindi man kita kayang
ipaglaban sa ngayon‚
hindi ko man maipagsigawan
ang pangalan mo

kaya ko namang mahalin ka
ng walang alinlangan
kahit na mayroong maraming
hadlang‚
ikaw at ikaw parin ang pipiliin ko

kahit iharap man sa boung madla
ikaw lang talaga ang bulong damdamin ko
aking sinta‚
'wag sana panghinaan ng loob

pagkat pagibig ko sayo'y totoo
hayaan mo't kapag handa na
akong harapin ang mga pagsubok
hayaan mo sana akong hawakan

ang iyong kamay
at sabay nating isisigaw sa
ilalim ng kalawakan
kung gaano natin kamahal ang isa't-isa

upang magising sila sa katotohanang
tayo'y tunay na nagmamahalan
at kahit anong hadlang
mananatili kang akin at ako nama'y saiyo lamang.

___

A D I R I A N G G

Mga tulang ikaw at ikaw palagi ang paksa Where stories live. Discover now