Spring Seven: Bits & Pieces

1.1K 72 8
                                    

Spring Seven: Bits & Pieces

..~*+*~*+*~*+*~..

"Again!" sigaw ni Director Keh sa akin.

I gritted my teeth in secret. Okay lang sana kung tatlong beses pa lang niya akong nasigawan at pinaulit ng eksena eh, pero...

"This is the nth time, Aya! Ano ba? Marunong ka ba talagang umarte?" iritadong tanong niya sa akin. "Oo, alam kong singer ka, pero singers have to get deep into their emotions, too! Bakit hindi mo magawang pakiramdam 'yang sinasabi mo?"

Eh kasi nga kasinungalingan ang gusto niyong sabihin ko eh.

"I'll do the scene again, Direk," sabi ko, trying to control the volume of my voice. Ayokong patulan. Ayokong makipag-away.

"Never mind! Gagawan na lang namin ng paraan para magmukhang matino at hindi mukhang tumutula ka lang!" sigaw niya bago magwalk-out.

Leche, ako dapat ang nagwowalk-out kasi kanina niya pa ako pinapahiya eh.

Habang nagliligpit ang crew, I slipped outside slowly. Busy si Manager Cheese sa pakikipag-friends sa production staff para na rin siguro to clean my name or something. Baka kako kasi i-chismis nila ang mga pagpapahiya sa akin sa set eh o kaya ang incompetence ko sa pag-arte according to Director Keh.

Noong lumabas ako from the set, walang tao sa hallway. Bukas ang pintuan papunta sa rooftop ng studio kaya I decided na pumanhik na lang doon para magpahangin habang hinihintay si Manager Cheese.

Pagdating ko sa rooftop, my shoulders fell. I'm not usually like this. Madalas eh dinideadma ko lang kapag may mga ganitong klaseng eksena sa set kahit noong rookie pa lang ako. Hindi ako nagpapa-apekto. Maybe because ngayon lang talaga ako sinigawan, pinagalitan, at pinahiya nang ganito.

Ngayon nga lang ako nilait tungkol sa pag-arte ko eh. Napapaisip tuloy ako kung marunong ba talaga akong umarte. Eh kasi naman, in the first place ay hindi ko naman kagustuhang gumanap sa isang music video kung saan si Onyx ang kasama ko tapos sweet kami. Eew. I mean, it wasn't a big deal kung iba 'yung partner ko sa music video, pero ewan ko ba ngayong si Onyx ang kapareha ko. Hindi naman big deal before sa akin ang ganitong scene kasi umaarte lang naman ako, pero ngayong si Onyx ang kapareha ko, feeling ko talaga eh ang laking sinungaling ko. And I so hate lying nga.

Maybe I'm really not versatile. Hindi ako flexible at hindi ako marunong mag-adapt.

Ugh, this is so not me. Hindi ako ito eh. Hindi ganito si Aya Zhu. Aya Zhu is one of the most popular icons in Asia. Cool, doesn't give a damn on unnecessary things...

Maybe I'm becoming rusty. Am I still a star? Or is this the start of my fall from the sky?

"Nandito ka lang pala."

I glanced up and saw Onyx walking toward me.

Ugh. Talk about bad luck. Now that he appeared in front of me, bigla kong naisip na parang nagsimula ang lahat ng kamalasan ko noong gabing nahulog ako sa kanya. I mean, sa hagdanan, of course.

"Uuwi na?" tanong ko. I didn't wait for his answer. Tumayo ako para maglakad paalis, pero hinila niya ako pabalik.

"Aya."

"Bakit?"

"Nahihirapan ka ba kanina sa eksena?" tanong niya.

"Hindi naman."

"Pero bakit...?"

"Bakit ilang beses pinaulit sa akin? Siguro hindi niya nagustuhan ang pag-arte ko."

"Oo nga, pero..."

"Pero ano?"

"Kung nahihirapan ka sa ganoong eksena, magsabi ka sa akin."

Spring DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon