Spring Four: Songs & Secrets

2K 97 22
                                    

Spring Four: Songs & Secrets

..~*+*~*+*~*+*~..

“O, ba’t nandito si Ayame?” natatawang tanong ni Uno kay Onyx noong napansin niyang nagmamaktol akong nakaupo sa sahig at pinapanuod sila habang tmutugtog nang putol-putol.

I rolled my eyes. Like, hello? I’ve been sitting here for almost an hour, pero ngayon lang niya napansin?

Lumapit si Lee sa akin. “Aya! May pagkain ka?” masiglang tanong niya sa akin.

“Wala. Wala akong pagkain. Go away,” masungit kong sabi.

Ngumuso siya at nanlulumong naglakad papalayo. Nakita kong ngumiti si Saber at ini-pat siya sa likuran. “Mamaya, ‘Tol. Kaunting tiis na lang,” sabi niya kay Lee. Tumingin siya sa akin. “Ayos ka lang ba diyan, ha, Aya?”

Kumurap-kurap ako at ngumiti nang malapad. See? See? That’s why I so like Saber Yoon! He’s just so charming! I’m so, so kinikilig! “Of course, I am!” masiglang sabi ko.

“Huh,” sarcastikong bulong ni Onyx.

Agad ko siyang tiningnan nang matalim. “Problema mo?”

“Wala. Puwede bang lumabas ka na lang? Nakakaistorbo ka eh,” malamig niyang sabi sa akin.

“Wow, so parang sinasabi mong ako ang may gustong mag-stay here? FYI, kung hindi lang dahil utos ito ni President Xin, hinding-hindi ako manunuod ng practice niyo, ‘no!” I snapped.

“Aray naman, Aya,” reklamo ni Uno.

“Ayaw mo sa amin, Aya?” nanlulumong tanong ni Lee.

Ngumiti si Saber at tumingin sa akin. Pakiramdam ko eh sasabog na sa sobrang init ang pisngi ko. Ba’t ko ba kasi nasabi iyon!? Gagong Onyx! He provoked me!

“It’s not that!” dali-dali kong sabi. “I mean… I mean… si Onyx kasi eh!”

“Ano na namang kasalanan ko?” he muttered.

Tumawa nang malakas si Uno. “Ikaw naman pala ang may kasalanan kung bakit pati kami eh nasasalanta ng katarayan ni Ayame eh,” sabi niya kay Onyx.

“Ba’t ako?” asar na tanong ni Onyx. “Nananahimik ako, ‘wag niyo akong idamay.”

Muling ngumiti si Saber. “Sige, tapusin na natin ang isang kanta para hindi na mainip si Aya.”

“No, no, I’m fine! I mean, okay lang na panuorin ko kayo,” dali-daling sabi ko.

“Ayos lang, Aya. Gutom na rin naman itong si Lee eh,” nakangiting sabi ni Saber sa akin.

Tumango ako. See? See? Saber Yoon is like that! The exact opposite of Onyx Young! Kaya it’s just so unfair dahil kung si Saber ang partner ko, I’m sure eh kikiligin ang fans! Pero kami ni Onyx? Leche. Kung sila kinikilig, ako eh nasusuka!

Tumahimik ang buong Studio 6. Niyakap ko ang mga tuhod ko habang hinihintay silang magsimulang tumugtog.

Each of them slowly closed their eyes until Onyx started strumming the strings of his guitar.

♫♪ Past midday and her eyes are finally on me

There is her smile that I finally could see…

Past twilight and she is still there among the crowd

Watching me singing my heart out loud… ♫♪

Nalaglag ang panga ko noong na-realize kong si Onyx ang nagsimula ng kanta at hindi si Saber. Kumurap ako at sakto namang sabay-sabay na silang kumanta after that stanza.

Spring DreamWhere stories live. Discover now