Spring Five: Catch You, Catch Me

2K 110 19
                                    

Spring Five: Catch You, Catch Me

..~*+*~*+*~*+*~..

“I told you to stay out of scandals!” President Xin screamed at us after niya kaming ipatawag.

Onyx cringed while I nearly jumped out of the couch. My gosh, katatapos lang naming maligo at hindi pa nga kami nagbi-breakfast, binulabog na kami kaagad ni President Xin.

The moment the sun went up a while ago at bumukas na ang studio kung saan kami na-trap, nagising kami kaagad ni Onyx at mabilis na dumiretso sa kanya-kanyang dorm namin para mag-morning rituals. Ni hindi na nga kami nag-usap dahil sa pagmamadali kasi baka may makakita pa sa aming magkasamang natulog sa Studio 2 eh. At sa palagay ko eh wala namang nakakita sa amin. Well, sa palagay ko lang pala ‘yun dahil apparently, hindi nakalusot sa maliliit at singkit na mga mata ni President Xin ang nangyari.

“What scandal are you talking about?” asar na tanong ni Onyx. I think he’s in a foul mood dahil hindi natulog lang kami sa couch kagabi habang nakaupo.

“You… you slept together! My gosh! Dito pa talaga sa Rainbow Entertainment! And right under my very nose!” singhal ni President Xin sa amin. Feeling ko eh nayanig ang buong office niya sa sobrang lakas ng sigaw niya.

“We did not sleep together!” I protested. “I mean, yeah, we literally slept together, but we had no choice!”

“Oo nga. Kung ba naman hindi niyo kami ikinulong doon sa studio eh,” antok na sabi ni Onyx.

“Ikinulong? Who locked you? It’s your fault naabutan kayo ng curfew!” President Xin snapped.

“Well, sorry for being diligent about our profession. We lost track of time because someone insisted we create a song without briefing us of the script,” sarcastic na sabi ni Onyx.

“Are you being sarcastic, ha, Onyx Young? Besides, you don’t need the script! And you’re supposed to be a genius!” asar na sabi ni President Xin sa kanya.

Agad akong napatingin kay Onyx. Genius? Wait lang. Hindi nai-process kaagad ng utak ko. Siya ba ang tinutukoy ni President Xin? Malamang. Pero… si Onyx? Genius? Is he freaking kidding me? I mean, ‘yung weirdong taong yelo na ‘to, isang henyo? Patawa lang?

Hindi sumagot si Onyx. Mukha na siyang nababagot sa panenermon ni President Xin kaya nagsalita na ulit ako. “President, I’m sure wala namang nakakita sa amin eh. I mean, we can always explain that we were trapped—”

“Explain? Explain? For the past few days, Ayame, puro explain na lang ang ginagawa niyo sa media at mga tao! My gosh! Wala nang naniniwala sa explanation niyo at sa sinasabi niyong wala kayong relasyon!” he snapped.

“Eh wala naman talaga kaming relasyon eh,” asar na sabi ni Onyx. “Sino bang may kasalanan kung bakit si Aya ang kapareha ko ngayon?”

“Ay, ‘yung computer, malamang,” sarcastic na sagot ni President Xin. “So sisihin natin ang computer, ha?”

Nanlulumo akong sumandal sa couch. “President, wala nga pong nakakita sa amin.”

“Sigurado ka, ha, Ayame? Sa tingin mo, paano ko nalaman kung walang nakakita sa inyo?”

“Malay ba naming may mata ka sa likod,” bulong ni Onyx.

“Onyx Young! Hindi ako nakikipagbiruan sa’yo!” sigaw ni President Xin sa kanya.

“Mukha ba akong nakikipagbiruan? Sa lagay kong ito na hindi pa nakakapag-agahan, sa tingin niyo eh may gana pa akong magbiro?” masungit na tanong ni Onyx.

“President Xin, I’m so, so hungry, too,” I wailed.

Napapikit siya at hinimas ang kanyang noo. “I’m so suko na. I’m telling you, phones will be ringing any minute now and—”

Spring DreamWhere stories live. Discover now