Spring Fourteen: Friends

1.2K 70 6
                                    

Spring Fourteen: Friends

..~*+*~*+*~*+*~..

"Kumusta na kaya sina Onyx sa Arco Iris University?" tanong ni Ashree habang nagmi-merienda kami sa dining hall.

Isang linggo na ang lumipas noong nag-release ang SOUL ng press statement tungkol sa kanilang hiatus. Katulad ng inaasahan, hindi naging mainit ang pagtanggap ng media at ng mga fans nila sa balita. Naging chaotic ang issue sa social media, pero hindi nagtagal ay humupa rin ito. Nalinaw na rin ang lahat ng issue tungkol sa mga isyung kinasangkutan nina Saber, Uno, at Lee, samantalang ang sa hindi malamang dahilan ay naglaho nang parang bula ang isyu tungkol kay Onyx at sa kinasangkutan niyang gang war.

The power of Young, narinig ko mula sa bibig ni President Xin noong minsan ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.

Maraming tanong na naglalaro sa isipan ko, pero katulad nga ng sinabi ni Onyx, huwag ko na lang daw alamin ang mga kasagutan. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya tungkol doon sa kapag nalaman ko ang mga kasagutan sa mga tanong ko ay kailangan ko siyang pakasalan. Like, eew. Hindi pa ako nahihibang. And besides, bakit ko siya pakakasalan? He's not my fiancé or boyfriend, and we don't even like each other.

Right. We don't even like each other. Pero ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw ay parang ang dreary ng ere dito sa Rainbow Entertainment.

"Baka nagkakalat ng lagim," nakakibit-balikat kong sabi.

"Huh, I'm sure nami-miss mo lang si Onyx," natatawang sabi ni Ashree.

"Excuse me? At bakit ko naman siya mami-miss?" nakataas-kilay kong tanong.

"Kasi soulmates kayo," sabi ni Atasha.

I rolled my eyes. "You watch too many dramas, Atasha," sabi ko.

"Oh, speaking. May offer ako for a new drama. And guess what kung sino ang makaka-partner ko?" excited na tanong ni Atasha.

"Si Ashree?" tanong ko.

"Of course not!" inis na sabi ni Ashree.

"Malamang hindi!" sabi ni Atasha habang umiirap.

"Sino ba?"

"Si Uno! My gulay, hindi ako makapaniwala!" sabi ni Atasha.

"Ha? Eh 'di ba naka-hold ang lahat ng offers sa SOUL?" tanong ko.

"Exactly! Kaya nga hindi ko alam kung matutuwa ba ako or what eh. Matutuwa kasi may bago na naman akong drama—meaning, nakikitaan nila ako ng potential—or maiinis kasi sa dinami namang puwedeng i-partner sa akin eh si Uno pa."

"Oh, tough luck," maarteng sabi ni Ashree.

"Anyway, it just means na talagang seryoso sila sa pagho-hold ng mga offers sa SOUL," sabi ni Atasha.

Umirap si Ashree. "Malamang seryoso sila. Hindi naman mahilig magbiro si President Xin. Wala ngang sense of humor 'yun eh."

Tumayo ako. "Well, anyway, it's good na medyo humupa na ang mga issues."

"Saan ka pupunta?" tanong ni Ashree.

"Magpapahinga. Tapos ko na lahat ng kailangan kong gawin for the preparation of my new album, so I think I deserve a good rest," sagot ko.

"Mag-hiatus ka rin kaya?" suhestiyon ni Ashree.

"Excuse me? At bakit ako magha-hiatus?"

"Para magkasama kayo ni Onyx."

"Like, eew," kinikilabutan kong sabi.

Nagtawanan sila ni Atasha. Umalis ako mula sa dining hall habang kinikilabutan pa rin. Hindi ko talaga alam kung bakit bet na bet nila kaming i-pair ni Onyx. Huh, kung alam lang nila na I confirmed with my own eyes and ears na may something talaga kina Onyx at Hera.

Spring DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon