Spring Thirteen: Banned Music

1.1K 69 8
                                    

Spring Thirteen: Banned Music

..~*+*~*+*~*+*~..

Maingay ang umagang sumalubong sa akin paglabas ko mula sa girls' dorm. Hindi ko alam kung bakit nagkakagulo ang mga tao sa main wing ng Rainbow Entertainment at kahit noong pumunta ako sa training wing, nagkakagulo ang mga artists at trainees doon.

Agad kong na-sight si Ashree. Hinila ko siya sa isang tabi at agad na tinanong, "Anong nangyayari?"

Instead of answering, pinakita niya sa akin ang tablet niya. "Ano 'to? Blind item?" tanong ko.

"Basahin mo!" he hissed.

SOUL Member Involved in Gang Fight, Stabbed & Fled from Scene

Nanlamig ako. Caption pa lang ang nabasa ko, pero alam ko na kaagad kung anong kasunod nito. Napalunok ako habang binabasa ang column ni Reporter Kim tungkol umano sa isang miyembro ng SOUL na nakitang sangkot sa isang riot sa gitna ng Arco Iris Plaza noong isang gabi. Ayon sa nakakita, sigurado siyang miyembro ng SOUL ang isang lalake dahil sa isang parte ng buhok nitong may kulay blue. At ayon sa informant, nasaksak daw ito ng isa pang lalake, ngunit mabilis na nakatakbo papalayo sa plaza ang lalakeng may kulay blue na buhok.

Pakiramdam ko ay para akong mawawalan ng malay sa sobrang kaba. Pinagpapawisan na ako ng malamig at lalo akong nanlamig noong tiningnan ako ni Ashree nang seryoso.

"Si Onyx ito, 'di ba?" bulong niya.

"Ha? Paanong naging si Onyx ito?" nagmamaang-maangan kong tanong.

"Sa akin ka pa nag-deny, Aya. Alam naman nating lahat na ang kulay blue na buhok sa bandang left side ay signature fashion statement ng SOUL. At higit sa lahat... noong isang gabi—"

"Ashree, please, kung meron ka mang suspicions, keep them to yourself," I said firmly.

He rolled his eyes. "Obviously. I'm in the same industry, you know, and I know how it is to keep a secret."

He was referring to his gender na hanggang ngayon ay sikreto pa rin sa public.

"Thanks, Ashree. Help me cover it up, please? I mean kapag may nagtanong—"

"Yeah, sabihin nating anyone could have dyed his hair blue."

Ngumiti ako at tinapik siya sa balikat. "You're the best."

"That reminds me, pinapatawag ka ni President Xin."

"Oh, no... ano na naman kaya ang kasalanan ko?" I wailed.

"Ewan ko, baka kakausapin ka tungkol sa scandal."

I sighed and headed for President Xin's office. Pagpasok ko, nadatnan ko siya doon pati ang mga miyembro ng SOUL.

"President Xin? Hinahanap mo raw ako?" tanong ko.

"Yes, Ayame. Now, sit down," maarteng sabi niya.

Umupo ako sa tabi ni Onyx. Nakayuko silang apat nina Saber, Uno, at Lee. Bumuntong-hininga si President Xin noong sabay-sabay nag-ring ang mga telepono sa office niya.

"That's it! My decision is final!" asar niyang sigaw.

Hindi nagsalita ang apat na lalake kaya ako na lang ang naglakas-loob na magtanong.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"SOUL will go into hiatus!" he screamed at us.

Namilog ang mga mata ko. "Po? Dahil po ba 'yun sa nangyari kay Onyx?"

He glared at the boys. "Kung iyon lang sana, magagawan ko pa ng paraan eh! I can't believe na sabay-sabay kayong gumawa ng scandal!"

Sabay-sabay gumawa ng scandal? Anong ibig niyang sabihin? Don't tell me, hindi lang si Onyx ang nasa news ngayon?

Spring DreamWhere stories live. Discover now