Spring Nine: My Dream

1.1K 74 5
                                    

Spring Nine: My Dream

..~*+*~*+*~*+*~..

"Sure ka, hindi pa natin need bumalik?"

"Kanina pa tayo dapat bumalik, pero ayoko pang bumalik."

"Baka hinahanap na nila tayo. Baka mamaya eh nagpatawag na sila ng search squad or something."

"I'm sure my mother would laugh at the idea of search squad for a Son of Young."

I gave him a curious look. "I'm curious about your family."

Tumingin siya sa akin. "Bakit?"

"Kilala kasi sa buong Arco Iris ang pamilya niyo."

Nagkibit-balikat siya. "Baka dahil ang mga ninuno namin ay kabilang sa nakatuklas ng Arco Iris."

"Oo nga, but besides that and the fact that your family owned Arco Iris University, nandiyan din 'yung katotohanang sobrang laki ng pamilya niyo. At may nabasa akong article one time eh. Totoo bang walang babae sa pamilya niyo?"

He smirked. "Hindi naman posibleng walang babae, 'di ba? Paano dadami kung walang babae?"

Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko. "You know what I mean," I snapped.

"Ang ibig mo bang itanong ay kung merong babaeng nagtataglay ng dugo ng Young?"

Tumango ako. "Oo, iyon nga."

Muli siyang ngumisi at umiling. "Wala... sa pagkakalaam ko. Kung meron man, lingid na iyon sa kaalaman namin."

"So ang ibig mong sabihin... ang mama mo ay...?"

"Ay isang Young."

"Ha? Eh akala ko ba...?"

He smirked again. "Asking deeper questions about my family will lead you to some consequences, Ayame Zhu. And knowing the answers would lead to something I doubt you'd want."

Humalukipkip ako. "Which is...?"

"You'd have to marry me."

Nanlaki ang mga mata ko. "What!?" I sputtered.

"Kaya kung ako sa'yo, huwag ka nang magtanong. Hayaan mo na kung ano man ang mga nalalaman mo sa ngayon. Kapag lumalim pa ang nalalaman mo, isa lang ang ibig sabihin niyon—ikaw ang pakakasalan ko. You wouldn't want that, would you?" nakangising tanong niya.

"Of course not!" I replied hotly. "Ang bata ko pa para mag-asawa! Ugh, ang weird ng family niyo."

"That's why don't be curious and just let it be."

I wrinkled my nose. "Fine, fine. Hindi na nga ako magtatanong. Baka magulat na lang ako, engaged na pala ako sa'yo."

"It happens."

"What!?"

Tumawa siya nang mahina. "Nangyayari iyon. Nagugulat na lang kami, nakatakda na pala kaming pakasalan ang isang babae."

"OMG, paano 'yan? What if ganoon ang mangyari sa'yo?"

"Then maybe that girl is the one for me."

"Huh? Kahit hindi ikaw ang pumili?"

"There's a legend, Ayame, but I can't tell you that. Unless..."

"Unless what?"

"Unless you'd want to marry me."

"What!? No!"

Muli siyang tumawa nang mahina. "Ang sarap mo talagang yamutin, Aya."

"Hindi nakakatuwa," I snapped, shuddering at the thought of me marrying Onyx Young. Like, eew.

He just smirked. "So stop asking questions."

"Can I ask something else instead?" tanong ko.

"Ano 'yun?"

"Anong pangarap mo?"

Kumurap siya. "Huh?"

I shrugged. "Eh since we're supposed to be working on Pop Generation's OST that focuses on dreams, I thought maybe we should talk about our own dreams."

He stared at me for a long time. I looked away and glanced at the sky. Twilight was creeping amid us, but the breeze was still the same—cold and fresh.

Pumikit ako at saka ngumiti.

♫♪ Maari bang itanong sa'yo kung anong pangarap mo?

Nais ko lang malaman kung kasama ba ako... ♫♪

When I opened my eyes, he was still staring at me. Pinalibutan kami ng katahimikan, at ang buong akala ko, hanggang sa pag-alis namin ay tahimik lang kami. I was surprised to hear something else.

♫♪ Hindi ba halata? Hindi mo ba nakikita?

Mula noon, hanggang ngayon, pinapangarap ka... ♫♪

It was my turn to stare at him, but it was as if music was naturally flowing inside me right now.

♫♪ Mula sa malayo ay natatanaw ko ang bituin

At nadarama ko ring ito ay naghihintay sa'tin... ♫♪

Tumayo siya at ngumiti.

♫♪ Kaya kung okay lang sa'yo, tara na't ating abutin

Simulan na ang paglalakbay para sa bituin... ♫♪

Tumango ako at ngumiti nang malapad.

♫♪ Unti-unti nating maabot ang pangarap ng puso

At magkasama nating mararating ito... ♫♪

♫♪ Sa bawat hakbang ng aking paglalakbay

Tayo ay magkasama at magkahawak-kamay... ♫♪

Noong inulit namin ang huling apat na linya ng kanta ay sabay naming inawit iyon. I never knew and I never expected it, but I realized that my voice is compatible with his... and his voice is compatible with mine. There is this certain blend in the melody na hindi ko ma-explain, pero ang nasisigurado ko lang... napakaganda nito.

♫♪ Unti-unti nating maabot ang pangarap ng puso

At magkasama nating mararating ito... ♫♪

♫♪ Sa bawat hakbang ng aking paglalakbay

Tayo ay magkasama at magkahawak-kamay... ♫♪

The song stopped there, and all we did after that was stare at each other. Then we knew—we knew that this song was the one we were trying to come up with. This song was the one we need in Pop Generation's OST.

Magsasalita na dapat ako, pero naunahan niya ako.

"Sa wakas ay natagpuan ko rin," he muttered silently.

Thinking he was talking about the Pop Generation's OST, I nodded. "Ako rin. This is it, Onyx. We've finally created it. All we have to do is arranged the music and lyrics."

He looked at me and smirked. "And live it."

Kumurap ako. "Excuse me?"

"Never mind. And, Aya?"

"Ano?"

"I answered your question."

..~*+*~*+*~*+*~..

Spring DreamWhere stories live. Discover now