Spring Twelve: Mysterious Guy

1K 68 1
                                    

Spring Twelve: Mysterious Guy

..~*+*~*+*~*+*~..

Nanlalamig ako habang hinihintay silang magsalita. Nakatingin lang sila sa aming dalawa ni Onyx at kahit si Onyx ay hindi nagsasalita para magpaliwanag o magpalusot.

"Do you really think I wouldn't know?" mahinang tanong ni Sensei Muse sa aming dalawa.

"Ma—"

"Do you know how much effort I put in just to make sure mapagtakpan ito!?" sigaw ni President Xin sa aming dalawa.

Tiningnan siya ni Sensei Muse. "Can you not shout?" reklamo niya. "And let me talk to them."

President Xin rounded on her. "Kasalanan mo 'to eh! Kung hindi mo kasi tinuruan 'yang batang 'yan ng—"

"I taught him what I was supposed to teach him," malamig na sabi ni Sensei Muse sa kanya.

Magsasalita na dapat ulit si President Xin noong humarap si Sensei Muse kay Onyx.

"I don't care what you do as long as you don't get yourself killed and you do not violate the laws of nature and the rules of the House of Young. But I'm actually disappointed because you let those people spill your blood when your brothers could not even touch you," nakataas-kilay na sabi ni Sensei Muse.

Yumuko si Onyx. May binubulong siya, pero hindi ko masyadong narinig. Ayun nga lang, mukhang narinig ni Sensei Muse.

"Oh, don't apologize. You know the rules of the House. The moment your blood spills, a Young Lady should be able to stop it from further spilling. Otherwise... well, you know what will happen," nakakibit-balikat na sabi ni Sensei Muse.

Tumago si Onyx. "Ayame was able to do that."

Kumurap ako. "Ha?"

Tiningnan ako ni Sensei Muse. Napalunok ako. Sa tuwing nakikita ko siya, ngumunguya siya. Ito ang unang beses ko siyang nakitang hindi ngumunguya... o nakangiti.

Nakakatakot. Ewan ko kung bakit. Hindi naman siya mukhang galit. Nakatingin lang naman siya sa akin. Hindi rin naman siya mukhang masungit o mataray. Sabi ko nga, nakatingin lang naman siya sa akin. Pero nakakatakot pa rin.

'Yung parang tingin ng isang manikang hindi gumagalaw? Nakakatakot at nakakapangilabot.

At ito rin ang unang beses ko siyang nakita nang maayos o malinaw.

Ngayon ko lang napagtanto... bakit ganoon? Paano nangyaring siya ang mama ni Onyx samantalang kung titingnang mabuti ang kanyang pisikal na hitsura ay parang hindi kami nagkakalayo ng edad?

I stared at her, wondering of her age. Ewan ko kung totoo ang chismis, pero ang sabi-sabi ay matanda na raw si Sensei Muse. I've heard so much 'urban legends' about her—na marami siyang anak at puro lalake ang mga ito. Hindi ko masyadong pinapansin ang mga sabi-sabing iyon, pero ang pinakatumatak sa akin ay 'yung edad at hitsura niya.

Tiningnan ko siya nang mabuti, trying to assess kung siya ba ay sumailalim sa kutsilyo o uminom ng medisina para hindi tumanda ang hitsura, pero...

Bigla siyang ngumisi. "No, Ayame, I did not undergo any type of surgical operation on my face and body, nor did I drink any medicine."

Kumurap ako. Pakiramdam ko ay umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko. Agad akong umiling. "Hindi po... I mean... no. Ah, ang ibig ko pong sabihin ay—"

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Onyx sa tabi ko. Agad ko siyang tiningnan nang masama.

"Well, since my brat said Ayame was able to save him from some sort of misfortune, I'm off. I'll have to inform the House, though," sabi ni Sensei Muse habang nakatingin kay Onyx. Nagulat ako noong muli siyang tumingin sa akin nang matagal bago tumangu-tango. "I see, I see. I get the picture."

Spring DreamWhere stories live. Discover now