Spring Sixteen: Someday & Somehow

1.1K 70 2
                                    

Spring Sixteen: Someday & Somehow

..~*+*~*+*~*+*~..

Ilanga raw ang lumipas simula noong dumito ako sa Arco Iris University. Dahil pumapasok sa mga klase niya si Onyx, hindi kami kami nakakapag-focus full-time sa paglilikha ng ending song ng Pop Generation. But I could say we're half-way there naman. May mga na-produce naman kaming output kahit na papaano. At habang abala si Onyx sa pag-aaral niya, tumutulong ako sa teatro, but mostly, I stayed near the girls' dorm.

May iilang mga estudyanteng lumalapit sa akin para makipag-usap o kaya magpa-sign ng autograph. May iilan ding nagpa-picture, pero hindi naman 'yung katulad ng mga fan girls outside Arco Iris na nagkakagulo kaya fortunately, I became comfortable with it.

Wala ring nang-iistorbo sa akin sa tuwing tumatambay ako sa ilalim ng malaking puno malapit sa girls' dorm para magsulat ng mga lyrics. I couldn't help appreciating the peaceful vibes at minsan naiisip kong parang gusto ko na lang ng ganitong lifestyle.

Napapaisip tuloy ako tungkol sa buhay ko.

I mean, masaya naman ako, pero parang... well, wala namang kulang. It's just that... masaya ba talaga ako? Ito naman ang pangarap ko, 'di ba? Pero para kasing... ah, ewan, 'di ko ma-get.

Ang alam ko lang, itong current situation ko ngayon na tahimik at maaliwalas ang paligid... parang... parang isang pangarap.

"Peaceful, isn't it?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Kanina pa ako nakaupo dito sa ilalim ng puno, pero wala naman akong nakita o naramdamang dumating.

Tumabi si Sensei Muse sa akin.

Tumayo ako at nagbigay galang.

"Sit down," sabi niya. Umupo ako sa tabi niya at napakagat ng labi. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong sadya niya rito—kung may nagawa ba akong hindi kanais-nais o ano.

"Uh, Sensei? Ano pong ginagawa niyo dito?" nag-aalangang tanong ko.

"Me? Well, this is my territory, so I'm usually here," sagot niya.

Tumango ako. "Nagpapahinga po ba kayo ngayon?"

Umiling siya. "Nah. If I rest, my brats will scatter," sagot niya.

"Po?"

"Never mind. So... how are you doing here?"

"Maayos naman po. Ano... ah, pakiramdam ko po ay nakakapagpahinga ako nang mabuti and at the same time, mas productive ako at mas maraming nake-create na mga kanta."

"That's good, Ayame. So what's your dream?"

Napakurap ako. "Po?"

Tumingin siya sa akin. "Anong pangarap mo?"

I stared at her. I've always known what I wanted to do, pero hindi ko alam kung bakit ngayong tinatanong niya ako ay hindi ako makasagot. It's either sobrang intimidating niya lang talaga kaya natatameme ako or... or talagang hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Pero bakit? I mean, it's impossible naman for me not to know what to answer to her question.

Anong pangarap ko?

My dream...

Lumunok ako. "Uhm... gusto ko pong lumikha ng musika at ibahagi iyon sa mundo?"

"Bakit patanong?"

"Po?"

"Parang hindi ka sigurado sa sagot mo eh."

Kumurap ako. "Ano... uh, sigurado naman po ako. It's just..."

Spring DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon