Spring Fifteen: Song of the Night

1.3K 75 11
                                    

Spring Fifteen: Song of the Night

..~*+*~*+*~*+*~..

Ito ang unang gabi ko sa girls' dorm ng Arco Iris University mula noong umalis ako dito.

Unfortunately, I wasn't having an easy time. In short, hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa mga pinagkukuwento ni Onyx sa akin kanina o praning lang siguro talaga ako.

I tossed and turned, hindi pa rin ako makatulog. Nakinig na ako ng music, hindi pa rin ako makatulog. Nanuod ako ng isang episode ng drama kung saan gumaganap si Atasha, hindi pa rin ako makatulog.

Hindi naman ako namamahay or something, lalo na't madalas naman akong nagste-stay out of town at itong dorm room na tinutuluyan ko naman ay wala namang ibang tumira kundi ako lang.

Paulit-ulit akong nagpapalit-palit ng posisyon sa kama hanggang sa may narinig akong kumalabog somewhere. Nanlamig ako, pero inisip ko na lang na wala lang siguro 'yun. May nahulog lang siguro na gamit ng isang estudyante or something. Pero noong mga apat na beses naulit ang narinig kong kumalabog na iyon, napaupo na ako sa kama. I shook my head vehemently. Wala, wala lang 'yun.

Muli akong humiga at pumikit, pero ilang sandali lang ay nakarinig ako ng huni ng kung ano man. Ibon? No way. Ganitong oras ng gabi, may ibon pa bang huhuni? Eh ano? Paniki? Humuhuni ba 'yun?

Muli akong napaupo sa kama. Napakagat ako ng labi habang nakatingin sa bintana. Wala naman sigurong something sa labas, right? Saka hindi lang naman ako ang nag-iisang tao sa loob ng girls' dorm.

Wala, wala ito. Tinatakot ko lang ang sarili ko.

I decided to not pay attention when it happened.

I heard it.

This time, hindi na huni ang narinig ko. Boses na. Boses na... na umaawit? Umaawit ba? Hindi ko ma-distinguish. Very faint ang sound at hindi ko malaman kung saan galing ang boses na iyon.

Agad kong hinatak ang kumot ko. Nanlalamig na ako sa sobrang nerbyos. Noon pa man ay may bali-balita na dito sa loob ng girls' dorm tungkol sa mga multo o kung ano pa mang mga katatakutan.

Noong bahagyang lumakas ang narinig kong umaawit o tunog o kung ano pa man iyon, hindi ko na kinaya. Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan si Onyx.

"May multo!" bungad ko sa kanya.

"Huh?

"May nagmumulto, Onyx, OMG, may nagmumulto!" mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Teka, Ayame, huminahon ka nga—"

"Huminahon? Paano ako hihinahon kung—OMG, ayun, narinig mo 'yun!?"

There was a pause.

"May kumakanta ba?"

"OMG, so you heard it, too!?"

"Oo, teka, ano ba 'yun?"

"That exactly what I was talking about! May kumakanta!"

"Baka naman may nagpa-practice lang sa kabilang kuwarto?"

"Ano ba!? I know the difference of a normal voice sa hindi normal!"

"Hindi normal? Anong ibig mong—"

"Onyx, natatakot ako," maluha-luha kong sabi.

"Kumalma ka. Pupuntahan kita. Hintayin mo ako sa entrance ng dorm."

"Ha? Eh paano kung nandoon sa entrance ang multo?"

"Sige, ite-text kita 'pag nasa entrance na ako."

Spring DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon