Prelude

4.5K 118 8
                                    

“… for I believe in destiny, and in my dreams he will find me.”

..~*+*~*+*~*+*~..

Prelude

..~*+*~*+*~*+*~..

“Habulin niyo siya!”

Ngumisi lamang ang binata noong narinig niya ang malakas na sigaw ng mga humahabol sa kanya. Tumalon siya at nagpatuloy sa pagtakbo. Lumapad ang kanyang ngisi noong muli niyang narinig ang galit na sigaw ng mga lalaking pilit siyang hinamon ng away. Dahil nababagot siya ngayong gabi, pinagbigyan niya ang mga iyon, ngunit agad din siyang nagsawa kaya’t minabuti niyang tumakas na lamang. Tutal ay halos hindi na rin naman makatayo ang mga lalaking iyon. Ayun nga lang, lingid sa kaalaman niyang nagtawag pa pala ng iba ang mga iyon kaya’t heto siya at hinahabol ng mga bagong dating na kasamahan ng mga lalaking naghamon sa kanya ng away.

Kalmado lang siyang nagpatuloy sa pagtakbo dahil alam niyang hindi naman siya maaabutan ng mga ito. Nakangisi siyang sumiksik sa mga taong nasa plaza.

Sa kabilang dako ng plaza…

“Bitch,” reklamo ng isang dalagang natapilok dahil naputol ang takong ng kanyang sapatos. Agad niya itong hinubad at saka inihagis sa malayo.

“Ugh.”

Lumingon ang dalaga noong narinig niya ang nagsalitang iyon. “What the—argh!” Dahil isang sapatos lamang ang gamit niya at mataas pa iyon, nawalan siya ng balanse at nahulog sa hagdanan ng plaza.

“Ouch!”

“Takte!”

“Ayun siya!”

Lumingon ang binata sa likuran niya at nakita ang mga lalaking humahabol sa kanya. “Takte,” ulit niya. Agad niyang tiningnan ang dalagang nahulog at ngayon ay nasa ibabaw niya na. Noong nakilala niya kung sino iyon, isang buntong-hininga na lamang ang kanyang nagawa samantalang ang dalaga naman ay…

“You!” sigaw nito sa kanya. Napapikit ang binata at ang tanging narinig na lamang niya ay pamilyar na tunog ng sasakyan ng mga pulis.

..~*+*~*+*~*+*~..

This Literary Piece is a story bound creation. The names, places, and businesses are products of the Author’s Imagination. Resemblance to actual persons (living or dead), places, and businesses is purely coincidental.

Reproduction or usage of this Literary Piece in any form by any means is strictly prohibited without the permission of the Author.

Some words and actions are inappropriate for some readers. Appropriate guidance is advised.

Copyright © 2014 by Dyosa Maldita

..~*+*~*+*~*+*~..

 Note(s):

Typos inevitability.

Credits to De Misse for the book cover. Thank you, Ela. <3

..~*+*~*+*~*+*~..

Spring Dreamحيث تعيش القصص. اكتشف الآن