Spring Ten: Moment of Truth

1.3K 86 11
                                    

Spring Ten: Moment of Truth

..~*+*~*+*~*+*~..

"Ready ka na sa monthly assessment?" tanong ni Ashree sa akin.

"Siyempre hindi pa," sagot ko.

Namilog ang mga mata niya. "OMG, Aya, that's like... tomorrow na siya!"

"Yes, I know, I know. You don't have to remind me," I replied, sighing.

"Wala pa kayong nabi-build na performance para bukas?"

Umiling ako. Inuna namin ni Onyx ang OST ng Pop Generation. Fortunately, natapos na namin ang rough draft ng opening song niyon. After namin i-final review, ipapasa na namin kay President Xin for his approval. And then magfo-focus na kami para sa ending song ng drama. As for our monthly assessment, ewan ko. Come what may na lang siguro bukas.

"Alam mo, Aya, kung individual performance ito, ligtas ka eh. Kantahin mo lang ang isa sa mga ginawa mong kanta, ayos na 'yun. Pero partnership ang assessment this time, and come to think of it... never pa kayong nag-duet ni Onyx."

Humalukipkip ako. "We do sing together while drafting the opening piece for the OST, pero... well, tama ka, never pa kaming nagkasama sa official stage to perform."

"Well, good luck bukas, Aya. You heard naman kung anong punishment kapag bumagsak sa monthly assessment, 'di ba?"

"Kung narinig ko, malamang nakalimutan ko na 'yun kasi never naman akong bumagsak."

"Malay mo bukas pa lang."

"Are you jinxing my performance, ha, Ashree?" nakataas-kilay kong tanong.

Tumawa siya nang parang witch. "Well, well, I dunno about jinx, pero simula noong nagkurus ang mga landas niyo ni Onyx, hindi ba't parang nagambala na ang mundo mo?"

"Pinaalala pa," I muttered. "Diyan ka na nga."

"O, saan ka pupunta?"

"Hahanapin 'yung magaling na Onyx na 'yun," sabi ko habang papalabas mula sa studio.

Hindi ko mahanap si Onyx sa lahat ng studios na pinuntahan ko. And come to think of it, I never knew his number. I mean, bakit ko naman kasi aalamin, 'di ba? Si President Xin naman ang nagse-set ng lahat ng schedules namin together, so hindi ko na kinailangang hanapin pa siya. Well, ngayon lang. I need to talk to him para sa monthly assessment namin.

Nasalubong ko si Manager Marconi na may dala-dalang mga stuffed toys at kung anu-ano pang mga regaling nakabalot sa iba't-ibang fancy wrapping paper.

"Ano po 'yang mga 'yan?" tanong ko.

"Galing sa mga fans ng SOUL, Aya. Kakatapos lang ng fan meeting nila," sagot niya.

"Oh, I see. Kaya pala hindi ko mahanap si Onyx. Nasaan na po sila ngayon?"

"Si Saber, bumalik sa dorm. Si Uno, maglalaro daw ng computer games sa rec room. Si Lee... ah, kakain daw muna siya. At si Onyx... hmm, saan nga ulit 'yun pupunta? Nakalimutan ko—ah, sabi niya pupunta raw muna siya sa garden."

Tumaas ang kilay ko. "Sa garden? Anong gagawin niya doon?"

"Hindi ko alam, Aya, eh. Hindi naman nagsabi. Free time nila ngayon kaya hindi ko na rin inusisa."

"Ganoon po ba? Sige po, pupuntahan ko na lang siya sa garden."

Nagpaalam na ako kay Manager Marconi at naglakad papunta sa garden ng Rainbow Entertainment. Medyo tahimik ang building ngayon kahit na katatapos lang ng fan meeting ng SOUL. At kakaunti lang din ang mga nasasalubong kong ibang talents.

Spring DreamWhere stories live. Discover now