Spring Three: Stuck

1.8K 93 14
                                    

Spring Three: Stuck

..~*+*~*+*~*+*~..

“Miiii-aah-aah. Miiii-aah-aah—shet!”

Umubo ako nang umubo at agad na hinablot ang bottled water from the table. I took big gulps of water hanggang sa naubos ko ang laman.

“OMG, what’s happening to me?” I muttered in panic. “Am I dying? My cancer of the throat ba ako? Damaged na ba ang vocal chords ko?”

“Given the volume of your voice right now, your vocal chords are obviously not damaged. However, I can’t say the same for your brain.”

Napakurap ako at agad na lumingon. Nakatayo si Onyx sa entrance ng Studio 1 kung saan ako nagpa-practice. Arogante siyang sumandal sa glass door at nagpamulsa.

“You!” I snapped. “Why are you here? I booked this studio! Layas!”

Tinaasan niya ako ng kilay. Minsan talaga, naiisip ko kung bakla ba ‘to kasi ang hilig magtaas ng kilay eh! Nakaka-tempt itanong sa kanya. Kaso what if he’s that clichéd type of guy na kapag tinanong ko kung bakla siya eh hamunin ako ng halik? Yuck lang. “Sa tingin mo ba eh gusto kong nasa iisang lugar kung nasaan ka? Wala lang akong magawa.”

Nagpamewang ako. “What do you mean? Clearly, it’s not time for our training together, so bakit kailangang magkasama tayo?” naiinis na nagtatakang tanong ko.

“Timang ka ba? O sadyang walang kuwenta ‘yang telepono mo at hindi mo tinitingnan?”

Nalaglag ang panga ko. “Did you just ask if timang ako? How dare—”

“Alam mo kung bakit ka namamaos? Ang hilig mong sumigaw eh. Hindi ba tinuro sa’yo na bilang isang mang-aawit, kailangan mong ingatan ang boses mo?”

“OMG, so you’re concerned about my voice now?” I asked sarcastically.

“No. I’m just concerned for my eardrums.”

I balled my fist. I really couldn’t stand this guy! Nagpapasalamat akong sa loob ng ilang taon ko under Rainbow Entertainment eh hindi nagtatagpo ang mga landas namin. Why do our paths have to cross now? Leche. Lecheng insidente ‘yun eh! Kung hindi lang talaga nangyari ‘yung lecheng eksena noong isang gabi, hindi kami magtatagpo! At hindi talaga ako naniniwalang computer-generated ang pairing. Feeling ko eh may nantitrip sa amin!

I pointed a finger at him. “You! Can you just get out and let me practice in peace?”

“Sa tingin mo ba eh hindi ko gustong lumayas ngayon din?” masungit niyang tanong. “Kung tingnan mo na lang kaya ‘yang telepono mo at nang malaman mo kung bakit nandito ako.”

I grabbed my phone and my mouth parted when I read President Xin’s e-mail.

To:       Onyx Young (OnyxYoung@RainbowEntertainment.com); Aya Zhu (AyaZhu@RainbowEntertainment.com)

From:  The President (ZhangXiaoNing@RainbowEntertainment.com)

Please be informed that the both of you have received a package of offers from Infinite Media for the following projects:

1.      Two songs for the OST of Pop Generation. Pop Generation is a youth-oriented drama that will be produced under Infinite Media.

2.      CF (Commercial Film) for the new cake shop, Cup & Cakes, sponsored by Infinite Media.

3.      Three consecutive guestings on Date & Disaster, a dating sitcom hosted by Infinite Media

Spring DreamWhere stories live. Discover now