Spring Eight: Partners

1.3K 70 2
                                    

Spring Eight: Partners

..~*+*~*+*~*+*~..

"Sige, babanggitin ko kay Ayame."

"Oo, tapos kung gusto niyo, i-compile natin 'yung mga video clips ng interview sa bawat talent dito."

"Itatanong ko kay Ayame kung gusto niya."

"Mukhang magugustuhan naman niya iyon. Saka para rin kontrolado niyo 'yung magiging music video ng OST."

"Kung iyon ang magugustuhan ni Ayame, eh 'di ganoon."

"Eh ano bang gusto mo?"

"Kahit ano. Kung anong gusto—"

"Takte naman 'yan, Onyx! Ang tinatanong ko eh kung anong gusto mo!"

Lumipad ang kilay ko. Kanina ko pa naririnig ang mga pamilyar na boses na iyon habang naglalakad ako sa hallway papunta sa Studio 1. Noong nakarating na ako sa may bandang pintuan, nakita ko ang buong banda ng SOUL na nasa loob at nagsasalita nang sabay-sabay sina Saber, Uno, at Lee.

"Sasabihin ko nga kay Ayame," iritadong sabi ni Onyx sa kanila.

"Ba't parang kanina ko pa naririnig ang pangalan ko? Kinukulam mo ba ako, ha, Onyx?" mataray kong tanong.

Napatingin silang apat sa akin.

"O, nandiyan na pala ang lady boss mo, Dude!" natatawang sabi ni Uno habang nakaturo sa akin.

"Lady boss?" nakataas-kilay kong tanong sa kanya. "Pinagsasabi mo?"

Ngumiti si Saber. "Huwag mo nang pansinin 'yang si Uno, Aya. May sina-suggest kasi siya kay Onyx para doon sa OST ng Pop Generation. Kaso sa lahat ng suggestions niya eh pare-pareho ang sagot ni Onyx."

Kumurap ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin ngayon dahil kinakausap ako ni Saber as if close kami or something, pero... well, hindi ko alam kung bakit hindi ako kinikilig samantalang dati eh makita ko lang siya, abot hanggang universe na ang kilig ko. Baka puyat lang ako. Tama. Baka puyat nga lang talaga ako.

"Anong sabi ni Onyx?" tanong ko.

"Itatanong daw niya sa'yo. Puro ganoon," frustrated na sabi ni Uno habang ginugulo ang buhok.

"Malamang kasi hindi lang naman ako ang magdedesisyon. At kapag hindi nasunod ang gusto ni Aya, maghuhuramentado 'yan," malamig na sabi ni Onyx.

"Hoy, anong maghuhuramentado? I won't. I'm a professional, you know?" depensa ko.

"Huh, tingnan natin," nakangising sabi ni Onyx.

Magsasalita na dapat si Uno noong biglang may sumigaw.

"Hoy! Anong ginagawa niyong lima dito? 'Di ba oras ng practice para sa monthly assessment niyo? Ba't nagpupulong kayo dito!?" singhal ni President Xin sa amin.

Napangiwi kami. "Well, nandito po ako sa designated studio ko, President Xin. Ewan ko lang sa kanila," sabi ko habang nakatango sa SOUL.

"Malamang dito rin ako, 'di ba?" iritadong sabi ni Onyx.

Tumingin si President Xin sa tatlong miyembro ng SOUL na sina Saber, Uno, at Lee. "So kayong tatlo...?"

"Aalis na po, Boss," dali-daling sabi ni Saber habang hinihila ang likuran ng damit nina Uno at Lee.

Noong nakaalis na sila, tinaasan kami ng kilay ni President Xin. "So..."

"Bakit po?" tanong ko.

"Have you come up with a concept for Pop Generation?"

Napalunok ako. Hindi ko masabing wala pa kaming ni isang nagagawa ni Onyx para doon. "We''re busy with that stupid monthly assessment," biglang sabi ni Onyx.

Spring DreamWhere stories live. Discover now