Spring Six: Picture Perfect

1.2K 72 4
                                    

Spring Six: Picture Perfect

..~*+*~*+*~*+*~..

"So siguro naman hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa inyong dalawa ang schedule niyo for today, right?" mataray na tanong ni President Xin sa amin.

Bumuntong-hininga si Onyx at wala naman akong nagawa kundi tumango. Tumayo na kaming dalawa at nagsimulang maglakad papalabas mula sa office ni President Xin when he said something else.

"Don't create another scandal!" he called after out retreating backs. "After your falling and catching scandal, I deserve a break na!"

Ngumuso ako at humalukipkip samantalang umiling naman si Onyx. Nakasunod sa aming dalawa si Manager Cheese na manager ko at si Manager Marconi na siyang manager naman ni Onyx.

"I don't understand," asar na sabi ni Onyx. "How did it become a scandal?"

Tumingin ako sa kanya. "Ang alin?"

"Noong isang araw. Noong nahulog ka sa puno at sinalo kita," he answered.

I wrinkled my nose. "I dunno, either," sagot ko.

Inayos ni Manager Marconi ang kanyang makapal na salamin at nagsalita. "Naging scandal iyon kasi nahulog si Ayame mula sa puno, pero sinalo mo siya," he told Onyx.

Asar na tumingin si Onyx sa kanya. "How is that supposed to be a scandal?" he snapped quietly.

Nagkibit-balikat si Manager Marconi. "Sinalo mo siya eh."

"Was I supposed to let her fall?" Onyx asked exasperatedly.

"Oo nga! Eh kung na-injure ako at na-damage ang puwet ko?" dagdag ko.

Muling nagkibit-balikat si Manager Marconi. "Ipinapaliwanag ko lang kung paano naging scandal iyon."

Umiling si Manager Cheese. "Masyadong malalim naman kasi ang paliwanag mo," sabi niya kay Manager Marconi. "Kaya naging scandal iyon kasi iba ang dating ng eksenang iyon sa mga nakakita."

"Leche," I muttered under my breath.

Tiningnan sila nang matalim ni Onyx. "Then am I supposed to forget my manners just because they might be interpreted as something else?" malamig niyang tanong.

"Hindi. Binibigyan lang talaga nila ng malisya ang bawat kilos niyo," nakangiting sabi ni Manager Cheese.

Muli akong ngumuso at humalukipkip. We were about to exit Rainbow Entertainment's building noong sinalubong kami ng mga fans. Like a routine, nginitian ko sila at kinawayan, pinirmahan ang iilang fanboards at notebooks, at nagpa-picture. Ganoon din ang ginawa ni Onyx, pero as usual, hindi siya nakangiti. Hindi naman iyon bago sa mga fans at normal lang iyon sa kanila—ang hindi nakangiti si Onyx.

Huh. Suwerte niya. Kahit bad mood siya or something, okay lang kahit hindi siya nakangiti kasi ganoon ang nakasanayang image niya. Samantalang ako, kahit na feeling ko eh gagapang na ako sa sakit ng dysmennorhea, kailangan ko pa ring ngumiti nang sagad in public.

Sumakay kami ni Onyx sa van. Noong isinara ni Manager Cheese ang pintuan, agad siyang pumasok sa front seat at mabilis namang pinaandar ni Manager Marconi ang sasakyan.

Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas kung saan patuloy na kumakaway pa rin sa amin ang mga fans kahit na hindi na nila kami nakikita kasi tinted ang mga bintana ng van.

"Sana nakikita ko kung anong nakikita nila," I muttered.

Lumingon si Onyx sa akin. "May sinasabi ka, Aya?"

Hinarap ko siya at humalukipkip. "Ang sabi ko, sana nakikita ko kung anong nakikita nila."

"Saan?"

Spring DreamWhere stories live. Discover now