Spring Eleven: Trust

1.1K 74 7
                                    

Spring Eleven: Trust

..~*+*~*+*~*+*~..

Ang isang ikinagandang dulot ng performance namin ni Onyx ay na-approve kaagad ni President Xin ang opening song para sa Pop Generation na pinamagatan naming, "Pangarap ng Puso."

Unfortunately, hindi lang puro good things. Why? Eh paano, because of what Onyx did after our performance eh lumala ang issue tungkol sa aming dalawa.

"Ba't kasi niyakap mo pa ako?" I snapped at him during our meeting para sa ending song naman ng Pop Generation.

Nagkibit-balikat lang siya. Leche.

"So... ano? May naiisip ka na for the ending song?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. I sighed and sat next to him.

"We don't have much time, Onyx. Malapit nang i-air ang drama and from what I heard, 'yung ending song na lang ang kulang," sabi ko.

Tumingin siya sa akin. "Wala ako sa mood, Aya."

I opened my mouth to reply, but decided not to. Hindi ko naman kasi siya mapipilit eh. Kung hindi gumagana ang creative juices niya ngayon, wala akong magagawa. At hindi naman puwedeng ako lang ang mag-iisip.

"Okay, sige," I said, sighing. Tumayo na ako para umalis, pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Gusto kong umuwi," I heard him mutter.

"Huh? Umuwi? Ah, sa bahay niyo?"

Tumango siya.

"Oh, eh 'di umuwi ka," sabi ko.

Muli siyang tumingin sa akin at ngumisi. "Para namang ganoon kadali iyon. Hindi naman tayo puwedeng pumunta sa kahit saan natin gusto eh."

"Huh, nagawa mo ngang tumakas noong isang araw eh," sabi ko. "Come to think of it, sure ka ba talagang walang nakakita sa atin? Parang imposible kasi talaga."

"Malamang may nakakita, pero hindi naman 'yun magsasalita bukod sa kapag may nangyaring masama sa atin," sagot niya.

Namilog ang mga mata ko. "Ha? Sino?" kinakabahang tanong ko, thinking of the possible karumal-dumal na parusa ni President Xin sa amin.

"Nanay ko," he replied, sighing.

Kumurap ako. "Si Sensei Muse? Hala, patay, anong gagawin natin?"

"Katulad ng sinabi ko, 'di naman 'yun magsasalita."

"Sigurado ka? But you know what? Your mother's cool."

"She's just weird."

"Excuse me?"

Bumuntong-hininga siya. "Takte, ano na kayang pinaggagawa ng mga kapatid ko? Wala na akong balita sa kanila."

I stared at him. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito ang mood—'yung wala sa normal niyang pagkilos o pananalita. 'Yung parang isang taong nangungulila sa pamilya. Kung sabagay, lahat naman kami rito ay napalayo sa pamilya. Tapos madalang pa naming makita o makasama ang pamilya namin lalo na't madalas kaming nasa ibang lugar for promotions o kaya naman kahit nandito kami sa Arco Iris, hindi naman kami basta-basta nakakalabas o nakakapunta sa mga lugar na gusto naming puntahan. At sa kaso ni Onyx, kahit na nakikita niya sa tabi-tabi ang nanay niya, hindi naman niya iyon nakakasama dahil may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan.

"Onyx?"

"Hmm?"

"Umuwi ka muna."

"Huh?"

"Kung gusto mong makasama o makita ang pamilya mo, umuwi ka muna. Take a short break or something. Ano... ako nang bahala."

He gave me a surprised look. "Sigurado ka, Ayame? Malamang ikaw ang pag-iinitan ni President Xin."

Spring DreamWhere stories live. Discover now