Chapter 1 ( The Naughty One )

882 22 5
                                    

Cyleen's Pov:

"Here's your cold drinks and favorite dessert, Maam." My personal maid said.

"Thank you. Did you prepared the bath tub already? I need to take a cold shower. It's so hot in the Philippines today. I really hate summer."

I said while slowly sipping my cold drinks she prepared.

"I've already prepared it, Maam." She said again.

"What about my favorite outfit for today?" I asked.

"It's already on your bed, maam." She replied.

"Perfect! I really like you! You're always doing what I wanted. You're going to receive a bonus on your salary for this month." I said.

"Really, maam? Thank you." She said.

"You're always welcome." I said.

After I finished my food, I walked towards the shower room for me to take a bath. I take off my fancy clothes and slowly get in on my favorite bath tub!

It really felt good to shower like this. So refreshing. I close my eyes and enjoy the feeling of being in a large jacuzzi filled with cold water with a natural fragrance of aloe Vera and mint eucalyptus. This is perfect!

"Hoy, Cyleen! Ano na namang kaartehan yan? Anong ginagawa mo dyan sa malaking planggana ni mama? Kanina pa nya yan hinahanap dahil maglalaba sya."

I opened my eyes so suddenly. Tss! Badtrip! Kahit kelan talaga panira ng araw itong Ate Marfie ko. Dali - dali akong umalis sa malaking planggana na akala ko eh bath tub. Nag e-enjoy pa nga ako sa paliligo eh!

"Ate, I'm taking a bath, obviously. Doon ka nga muna. Panira ka ng moment eh." Sabi ko sa kanya.

"Naku! Umandar na naman ang wild imagination mo. Ano, akala mo mayaman ka na naman at naliligo ka sa sosyal na bath tub with matching petals! Tigil tigilan mo nga yang ilusyon mo. Kung gusto mong yumaman, simulan mo ng maghanap ng trabaho. Hindi yang inuubos mo ang iyong oras sa mga stupid illusions mo." Sermon nya sakin.

"Oo na nga. Kaya nga naliligo na diba? Maghahanap na ako ng trabaho ngayon."

Sabi ko habang tinutungga ang poso na pinagkukunan namin ng tubig. Sobrang sakit na ng mga braso ko  dahil sa poso na Toh, ah! Magkakaroon ako ng muscles nito eh. So gross!

"Mabuti naman kung ganon. And please lang, yong matinong trabaho ha? Hindi yong part time lang. Dapat mong hanapin yong pangmatagalang trabaho para hindi ka na f-fired!" Sabi pa nya.

"Eh kase nga, sa course na natapos ko, mahirap talagang makahanap ng trabaho na bagay sa akin." Reklamo ko.

"Sino ba naman kase ang nagsabi sayo na mag Criminology ka? Ikaw itong mapilit diba? Ngayon, magdusa ka!" Sabi nya.

"Ouch. Ang harsh non ah! Magdusa talaga? Naku, kapag ako naging pulis who you ka sa akin!"

Sabi ko at nag simula ng maligo. This time, totohanan na. With my clothes on at gamit ang pesteng tabo, naligo na ako. This is my reality. My real life.

By the way, my name is Cyleen Jaranilla. At the age of 26, heto pa rin ako. Jobless! Hindi dahil tamad akong magtrabaho ha. Malas lang talaga ako pagdating sa trabaho.

Minsan, naging cashier ako sa Isang convenient store. Ayon, na holdap kaya nagsara. Minsan na din akong naging  lady guard sa isang mall. Ayon, natanggal ako sa trabaho dahil nasuntok ko ang manyak naming supervisor!

Naging service crew din ako sa isang sikat na fast food chain. Ayon, sa kasamaang palad, natanggal na naman ako sa trabaho dahil bukod sa nakabasag ako ng plato eh natapunan ko pa ng mainit na soup yong maarteng customer.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now