Chapter 54 ( Nightmares )

244 3 0
                                    

Cyleen's Pov:


"No! Please, no. Leave me alone. Elly! Elly, help me!"

Napabalikwas ako ng bangon sa higaan ng  maalimpungatan ako dahil sa ingay ni Alec. Shit! What was happening to him? I think he's having a nightmare again! He's keep on murmuring while sleeping. As if he's really scared. Sweat is all over his face. Hindi rin siya mapirmi sa higaan. Kanina pa sya palipat- lipat ng posisyon.

Simula ng mangyari ang insidenteng iyon sa abandonadong ospital ilang buwan na ang nakakaraan, palage akong natutulog sa kwarto ni Alec para mabantayan sya ng maayos sa Gabi. Ilang beses na kasing nangyayari na nagigising na lang kami ni Cylec sa madaling araw dahil naririnig naming sumisigaw si Alec at umiiyak. Tila ba takot na takot siya sa kung ano. Pati ang mga kasambahay sa mansyon eh nabubulahaw.

I've already consulted our family doctor. Sinabi ng doctor na nagkaroon ng trauma si Alec dahil sa pangyayaring iyon. Masyado pa raw kaseng bata si Alec para maranasan ang ganong karahasan, kaya nagkaroon siya ng trauma dahil sa nangyari. He even hated to see a doctor. Ayaw na ayaw niyang pumupunta sa ospital at kahit sa family doctor namin eh hindi sya nagpapakita.

Once na makakita siya ng doctor at ospital, nagagalit sya at nagkukulong sa kanyang kwarto ng ilang araw. He never been the same again after that traumatic experience he had. At halos gabi- gabi, palagi syang nagkaka nightmare. Kaya naman palagi ko syang sinasamahan sa kanyang kwarto. Even sa school, hindi na sya ganon ka- active.

Mas madalas syang nakaupo lang sa Isang tabi at ni hindi nakikihalubilo sa mga kaklase nya ayon sa kanyang guro. Kaya simula ng mag grade three sya, nag decide kami ni Cylec na mag home schooling na lang si Alec. Effective naman dahil nakita Kong kahit papaano eh bumabalik yong interes Niya sa Pag aaral.

"Elly! Elly, stay here. Wag mo Kong Iwan. Dito ka lang, please."

Narinig ko na namang Sabi ni Alec. Elly? Sya ba yong batang babaeng Sabi nya dati eh naging kaibigan nya at sandalan for almost one month na pananatili nya sa abandoned hospital na iyon? Iyong street child na wala ng family? Napapansin ko na everytime he's having a nightmare, palage nyang bukambibig ang batang Elly na yon. As if he's depending on that child.

"I won't leave, Alec. I'm just here. Sleep well now, huh? Nandito lang ako. Hindi ako aalis." Sabi ko na kunwari eh yong Elly na sinasabi niya.

And just like that, he became at ease again. Nakatulog sya kaagad ng mahimbing. Parang gusto Kong magselos sa batang Elly na iyon. It looks like there's something about her na nagagawang pakalmahin si Alec everytime na sinusumpong sya ng manic depression niya. Kahit ako nga na mom nya hindi iyon magawa. I think that child is special with Alec.

Dahil mahimbing na ang tulog ni Alec, nagdecide akong bumalik na sa master's bedroom. As usual, gising na gising pa rin si Cylec. Mukhang hinihintay nya akong makabalik ng kwarto namin.

"How's Alec? Is he okay?" He said.

"He's sleeping now." I said at nahiga na rin sa kama at yumakap sa kanya.

"Cylec, I think may alam na akong solusyon para tuluyang bumalik sa dati si Alec." Sabi ko sa kanya.

"What is it?" He asked.

"Kailangan nating hanapin si Elly." I said.

"Elly? Whose that?" He said.

"Yong Batang babae na nakasama ni Alec sa abandoned hospital. Everytime Alec's having a nightmare, palage nyang bukambibig si Elly. As if naging dependent ang anak natin sa Batang yon. And guess what, he suddenly calmed down once na marinig nya ang pangalan ng batang yon." Sabi ko.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now