Chapter 11 ( Sleep with Him )

406 11 0
                                    

Cyleen's Pov:

Sleep with me!

Sleep with him for one million peso!? Is he kidding me!? Matutulog lang kasama sya one million na!? Paano pa kaya kapag makipag love making sa kanya? Ano, additional one million? Ayos din ang isang toh ah. Kung alam ko lang na ganito pala kadali ang magkaroon ng pera sa isang toh, eh di sana sya na agad ang nilapitan ko kanina pa!

Solve na ang problema ko, hindi pa ako nahirapang mangutang sa mga kakilala ko! Matutulog lang naman kami, diba? No monkey business? Tulog lang pala eh. No problem. Basta ba wag syang gagawa ng kalokohan. Dahil oras na mag take advantage sya sa sitwasyon, mabubugbog ko sya!

"Deal!" Sabi ko.

Hindi sya nakasagot agad. Huh, akala nya, ha. Excuse me, wais to noh! Akala mo aatras ako!? Kailangang kailangan ko ng pera ngayon, okay. Kung hindi lang para sa papa ko, hindi ako magpapakita sayo! Gusto lang pala akong makatabi sa pagtulog hindi agad nag sabi! Madali naman akong kausap eh.

"Okay. Here's a half million peso. I'll see you in my condo tonight at exactly seven pm, sharp. Don't be late! After we sleep together, I'll give you another half a million peso plus your contract as my P. A." He said.

"Where is your condo by the way?" Tanong ko.

"Here's the address." He said at ibinigay sakin yong cheque kasama ang address nya.

"Okay. Alis na ako. See you later, Mr. Jordan." Sabi ko at umalis na ng condo nya.

Agad akong dumiretso sa ospital dala ang cheque galing kay Dhyna at Mr. Jordan. Sakto, nandon na rin so ate Marfie.

"Kamusta ang paghahanap mo ng pera, ate Marfie?" Tanong ko sa kanya.

"150k pa lang ang naiipon ko, Cyleen. Ikaw ba?" Sabi nya.

"Meron ako ditong 550k ate. Sakto na pala. Mapapa-surgery na natin si papa." Sabi ko.

Tiningnan nya ako na parang hindi makapaniwala kung saan ko galing ang pera. Hayst, talaga ba? Excuse me lang ha! Kahit ganitong ako, marunong din naman akong dumiskarte kahit papaano noh! Ibinigay ko sa kanya ang cheque.

"Saan mo galing ang ganitong kalaking halaga, Cyleen?" Tanong nya.

"Yong 50k, kay Dhyna. Yong 500k, Kay Mr. Jordan. Yong ex ko ba." Sabi ko.

"Ano!? Bakit ka binigyan ng ganitong kalaking halaga nong ex mo? Wag mong sabihing binenta mo ang kaluluwa mo para lang dito?" Sabi nya.

"Hindi ah! Mag t-trabaho ako sa kanya bilang P. A. Nag cash advance ako ng one and a half year na sweldo ko." Sabi ko sa kanya.

Asa pang sasabihin ko na pumayag akong matulog kasama ang lalaking yon kapalit ng one million! Kahit matutulog lang, for sure hindi ako papayagan ni ate Marfie. Masyadong old fashion ang isang toh. Siguradong sermon ang aabutin ko kapag nagkataon.

"Are you sure?" Sabi nya.

"Sure ako, ate. Bukas, start na ako ng trabaho sa CJREC. Kailangan Kong matulog ng maaga kaya kayo na muna ang bahala dito sa ospital, huh? Mauuna na akong umuwi. Magkikita pa kami ni Dhyna mamayang seven. Baka doon na ako matulog sa kanila mamayang gabi." Pagsisinungaling ko.

"Ikaw ang bahala. Salamat dito. At congrats sa bago mong trabaho." Sabi pa ni ate Marfie.

Tumango lang ako. Atleast, kahit papaano eh may nagawa naman akong maganda para sa kanila. Hindi yong puro na lang ako pabigat. At exactly 6pm, umuwi na ako sa bahay namin at naghanda na para pumunta sa condo ni Mr. Jordan.

Tinext ko na rin si Dhyna, na in case mag tanong si ate Marfie kung nandon ako eh sabihin na lang na oo. Hindi naman nagtanong si Dhyna kung saan ako pupunta. Habang sakay ng taxi papuntang BCG, saka lang ako tinamaan ng kaba.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now