Chapter 3 ( Reminders )

475 11 1
                                    

Cyleen's Pov:

"Let's break up. I don't love you anymore. I realized that were really different. And that differences made me realized that we should stop this. I'm sorry."

Napabalikwas ako ng bangon. Shit! Panaginip lang pala. Este, napanaginipan ko na naman ang walang kwentang lalaking yon. Hay naku! Bakit ba hanggang ngayon hindi pa rin ako pinatatahimik ng gagong yon? Aba, almost nine years na rin ng mangyari yon ha!

Tss. Ang kapal talaga ng pagmumukha ng mokong na yon. Pati sa panaginip hindi ako tinatantanan. Bakit, ano bang kasalanan ko sa kanya, ha? Wala naman, diba? Sya itong nakipag break! Sya itong basta na lang ng dumped ng walang pasabi.

Ang malala pa, tinalo pa nya ang dahilan ng Song-Song couple kung bakit sya nakipag break! Ano naman ngayon kung magkaiba kami? Na hindi kami magkapareho? Eh di sya na ang rich, ako na ang purita! Sya ng gwapo, ako na yong pangit! Sya na ang matalino, ako na yong bobo. Sya na ang tama, ako na ang mali!

Pero peste naman! Nine years ng nangyari yon. Bakit hindi pa rin ako pinatatahimik? My gosh! Ang bata ko pa nong time na yon! Ni hindi ko pa nga alam ang love na yan! Basta ang alam ko lang, na love at first sight ako sa kanya! Yon lang! Na sya yong walang kwenta kong first love na hanggang ngayon eh ayaw na ayaw kong makita o kahit maalala man lang!

Tapos ngayon, bigla na lang manggugulo sa panaginip ko? Mabuti Sana kung yong happy memories namin together ang napapanaginipan ko, eh hindi naman. Yong araw pa talaga na dinumped nya ako? Wow! Ang saya! Nasaan ang hustisya!? Utang na loob naman, patahimikin nya na ako!

Inis na inis akong bumangon sa higaan. Wala na! Sira na ang araw ko! Hay naku, talaga! Para akong timang na ginugulo ang buhok habang nagpapadyak sa sahig ng magising si ate Marfie.

"Hoy, Cyleen. Ano na namang kadramahan yan, ha? Ang aga aga, tinatamaan ka na naman ng kapraningan mo. Anong meron?" Sita sakin ni ate Marfie.

"Eh kase ate, nanaginip ako." Sabi ko.

"Tungkol saan? Na yumaman ka na? Na naging milyonarya ka? Aba, mabuti yan. Para naman kahit sa panaginip eh ma-experience mong maging mayaman." Sabi nya.

"How I wish na sana yon na nga lang ang panaginip ko. Kaya Lang, hindi eh. Kakaiba." Sabi ko.

"Paanong kakaiba? Wag mo nga akong binibitin. Sabihin mo na agad. " Sabi pa nya.

"Napanaginipan ko yong ex kong walang kwenta." Sabi ko.

"Naku, masama yan. Kalimutan mo na bago ko pa makalimutang kapatid kita! My gosh, Cyleen! Move on na! 2019 na oh! Wag mo ng pahirapan ang sarili mo. Wag mong sabihin na mahal mo pa hanggang ngayon? Masasabunutan kita!" Sabi pa ni ate Marfie.

Kung gaano ko ka hate ang lalaking yon, aba, mas lalo na si ate Marfie. Sya lang naman ang nagiisang nakaka alam ng lahat na pinagdaanan ko dahil sa gagong yon. Nakita ni ate Marfie kung paano ako na in love sa kanya, hanggang sa ma broken hearted ng husto. Yong tipong wasted na wasted ba.

I'am only eleven years old ng una ko syang makita. First year high school ako non. At my young age, nalaman ko na, I like him. As in, a lot. Na love at first sight ako, aaminin ko yon. Sino ba ang hindi? Ang gwapo, matalino, mabait saka mayaman. Famous sa school namin.

Eh ako that time, walang wala. Sobrang magkaiba kaming dalawa. Lahat ng meron sya, wala sakin. Hindi ko nga alam kung bakit ako nagustuhan non eh. Basta, naging kami nong junior year namin. Akala ko that time, happy ending na. Na kami na talaga hanggang huli.

Pero hindi pala. Bigla na lang syang nagbago. Hanggang isang araw, bago ang graduation namin nong senior year, nakipag break sya. At ang dahilan nya? Were really different from each other. Ang babaw, diba? Pagkatapos kong mahalin, Pag aksayahan ng oras at panahon, bigla na lang mangiiwan ng walang sapat na dahilan. Kamusta naman yon?

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now