Chapter 31 ( Cornered )

249 6 1
                                    

Cyleen's Pov:

The time Mr. Jordan texted his exact address, I decided to travel from Mindoro to Manila. There's no way I'm gonna let him take my son away from me! How dare him! After I've sacrifice everything for my son, kukunin nya lang ng ganon kadali? Excuse me lang ha, ako ang nag suffer for almost nine months habang nasa sinapupunan ko pa si Alec. 

Muntik na akong ma- depressed at mawala sa katinuan after I gave birth to Alec dahil hindi ko alam kung paano maging mabuting ina at alagaan syang mag isa. Ako ang napuyat, napagod at nahirapan sa Pag aalaga Kay Alec sa loob ng apat na taon.

And then, all of a sudden, kukunin nya lang ng walang kahirap-hirap? Ang kapal ng mukha nya! Nasan sya nong mga panahong naghihirap ako sa anak namin mabigyan lang sya ng maayos na buhay? For sure kasama nya ang kung sino- sinong babae ng mga oras na yon! And who knows kung anong ginagawa nila!

Pagkatapos, kung makapag utos pa sya sakin na umuwi ako sa kanya, wagas. Ginawa pang dahilan yong anak ko para wala akong choice kundi ang magpakita sa kanya! And then after that, anong mangyayari? Di ba nga ikakasal na sya? Bubuo na sya ng sarili nyang pamilya.

So what's the point of keeping me and Alec? Once his fiancee knows about it, for sure mas malaking eskandalo ang mangyayari! Bakit hindi na lang nya atupagin yong love of his life nya at hayaan nya na kami ni Alec na mamuhay ng samin. Bakit kailangang guluhin nya pa kami!?

Anong reason nya!? Naku, talaga! Wag nya akong sasagarin! Malilintikan sya sakin. Akala nya magagawa nya ang kanyang gusto dahil nasa kanya ang lahat ng dahilan para gipitin ako at mapasunod sa gusto nyang mangyari? Never! Once na makuha ko si Alec, aalis kami agad! Bahala sya sa buhay nya! Magsama sila nong fiancee nyang mukhang espasol!

Talaga naman! Sa sobrang inis ko sa Mr. Jordan na yan nagiging laitera tuloy ako. Pinili kong gabi bumiyahe para bago mag umaga eh nakarating na ako sa mansion nya. Wala akong pakialam kung marami syang security guards. Hindi ako natatakot. Kukunin ko si Alec at sasama sakin ang anak ko pauwi ng Mindoro!

Hindi ko iiwanan sa kanya si Alec. Malay ko ba sa ugali nong fiancee nya? Baka wicked step mother yon at kawawain pa ang anak ko. Ni hindi ko nga pinapadapuan sa lamok si Alec, tapos aapihin lang ng ibang tao? Magkakamatayan muna kaming dalawa bago nya makuha sakin ang anak ko!

Ilalaban ko si Alec kahit saan man kaming dalawa makarating! Hindi ako mapakali habang nasa byahe. Nag aalala ako para Kay Alec. And at the same time, nag aalala din ako para sa sarili ko. Alam ko na he's still had a space in my heart. Hindi naman nawala yong feelings ko for him eh.

Pero hindi na kami pwede. Di ba nga ikakasal na yong tao? Kaya nga hangga't maaari ayoko ng mag krus ang landas naming dalawa. Dahil for sure mahihirapan na naman akong kalimutan sya. I know myself. Pagdating sa lalaking yon, mahina ako. Pagdating sa kanya, natatanga ako. And I hate myself because of that.

Di bale. Once na makuha ko si Alec, aalis kami agad.  At sisiguraduhin Kong hindi nya na kami guguluhin ulit! Lumayo na nga ako para maging masaya na sya, di ba? So sana naman hayaan nya na lang kami. Gusto ko lang ng tahimik at simpleng buhay kasama ang anak ko. Ayoko ng gulo. Kaya Sana naman, tantanan nya na kami!

"Q.C! Q.C!

Natigil ako sa Pag iisip ng kung ano- ano ng marinig ang konduktor ng van na sinasakyan ko na sumisigaw. Ang bilis ng oras. Nasa Quezon City na ako agad! Almost seven hours din ang binyahe ko. Dahil door to door ang van na sinakyan ko, mabilis akong nakarating ng Manila.

Agad akong bumaba sa terminal at nag abang ng taxi papuntang BGC, Taguig. After thirty minutes, nasa harapan na ako ng main gate ng mansion ni Mr. Jordan. Akala ko eh ito rin yong mansion na napuntahan ko na dati nong nag part time job ako sa birthday party nya. Pero iba pa pala ito.

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Where stories live. Discover now