Chapter 25 ( Blind Date 2 )

291 4 0
                                    

Maura's Pov:

"Molly, ano bang ginagawa natin dito sa villa na toh? Dito ba nakatira yong ka- blind date ko?" Sabi ko sa kanya.

"Hindi talaga sya dito nakatira. Vacation house nya lang daw ito. Ang yaman di ba? Taga Manila talaga si Mr. Jordan. He's here to celebrate the birthday of his friend. Since May party dito mamayang gabi, invited tayo." Sabi ni Molly.

Ano!? Party? Bakit hindi nya agad sinabi? Ang buong akala ko, kakain lang kami sa Isang restaurant at uuwi din agad. Bakit kailangan pa naming umattend ng party? Parang nakakahiya kase hindi naman namin kilala ang Mr. Jordan na yon.

"Bakit pa tayo aattend? Hindi naman natin kilala yong Mr. Jordan. Umuwi na kaya tayo." Sabi ko.

"Kaya nga blind date ang tawag dahil hindi natin talaga kilala si Mr. Jordan, di ba? Relax ka lang. Feel at home." Sabi ni Molly.

Ano ba tong pinasukan ko. Dapat yata hindi na ako sumama Kay Molly eh. Baka kung mapaano pa kami dito. Bakit ba kase sya pumayag na makipag meet dito sa villa na toh? As far as I know, private property ito. What if psycho pala ang Mr. Jordan na yon?

O di kaya killer? Or rapist? Pagkatapos ikukulong kami dito sa villa na toh at hindi na kami makalabas ng buhay. Forever na kaming ma- t- trap sa lugar na toh. Oh my gosh! Ano bang pinagiisip ko! Bakit ang negative ko ngayon? Dahil ba kinakabahan ako at hindi maganda ang pakiramdam ko na ma- meet ang Mr. Jordan na yon?

"There you are ladies! I'm glad that you two came."

Out of nowhere, lumabas na lang bigla ang isang gwapong lalaki na pamilyar sakin. Saan ko nga ba nakita ang isang toh? Feeling ko na meet ko na sya dati. Hindi ko lang maalala talaga kung saan at kelan. Damn this memory loss of mine!

Napansin Kong kilig na kilig si Molly habang nakatingin sa lalaking toh. What's wrong with her? Kilala nya ba toh? Don't tell me ito ang ka- blind date ko? Eh anak ng tipaklong! Parang artistahin ang isang toh eh. Parang modelo o di kaya actor. Hindi kami bagay. Hindi kami compatible for sure!

Si Molly naman masyadong obvious na crush na crush ang lalaking toh. Nakakahiya! Parang gusto ko ng tumakbo palayo sa lugar na toh. Promise. Bigla akong inatake ng kahihiyan. Pucha, have some balls, Maura! Hindi ito ang oras para mahiya! Pare- pareho lang kaming tao. Yon nga lang, ibang klase ang charisma ng isang toh. Pamatay!

"Thank you for inviting us in your birthday celebration, Enrique. I'm your avid fan. And this is a dream come true para sakin." Sabi ni Molly.

Enrique? Avid fan? So- artista nga Isang toh? No doubt about it. Halata naman sa kanya eh. Now I know kung bakit pumayag si Molly na pumunta dito. Malamang para lang makita face to face ang idol nya! Alam kung certified fan girl itong si Molly. Mapa- Korean man o local artist.

Enrique. Bakit parang pamilyar sakin ang pangalan nya? Parang narinig ko na dati. Pati ang pagmumukha nya, masyadong pamilyar. I'm sure hindi ko pa sya nakikita sa kahit anong tv program. Ang pinagtataka ko, bakit he looks so familiar? Is there a possibility na kilala ko ang isang toh dati pa?

"You're always welcome, Molly. So- you're Maura, right?" Sabi ni Enrique.

Awkward akong ngumiti.

"Oo, ako nga. Nice to meet you." Sabi ko.

Wala akong masabi, okay. Ano namang sasabihin ko sa kanya? Hindi ko naman sya kilala at hindi naman kami close. Were totally stranger! Kung sa family nga ni Molly hindi ako masyadong nagsasalita. Sa isang toh pa kaya?

"Nice to meet you too, Cyl- I mean Maura. Let's go inside? Jessy and Cylec are already waiting for us in the garden." He said.

I already met Jessy. She's that beautiful woman we met at the mall yesterday if I'm not mistaken. And whose the other one? Cylec? That's a unique name, I think. But where's Mr. Jordan? I thought he's the one were supposed to meet here? Where is he?
Tss. At bakit curious na ako ngayon sa Mr. Jordan na yon?

His Naughty P.A ( Jordan Series 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon