Chapter 1

1.6K 30 2
                                    

GLAIZA'S POV

Medyo naiinip na akong kakahintay dito sa cafe. Nakakailang tasa na rin ako ng kape pero wala pa rin yung hinihintay ko.

Kung hindi lang talaga kinakailangan ay hindi na ako maghihintay pa rito. Halos tatlong oras na ako dito ni wala man lang pasabe.

"Uhm Glaiza Galura?" Tanong nung isang babae na lumapit sa akin.

"Yes?" Takang tanong ko. Hindi ko siya killala ar sa pagkakaalam ko hindi naman siya ang sadya ko rito.

"Oh great! Hindi kasi makakarating si Chynna. Nagkaemrgency siya. Pinapasabi niyang sorry daw. I'm Bianca by the way." Sabi niya at umupo sa kabilang dulo ng lamesa at inilahad ang kamay niya.

Kahit embyerna ako ay hindi ko pinahalata. Nagpakaprofessional pa rin ako syempre.

"Pleasure to meet you Miss Bianca" I said at ngumiti.

Mukha naman kasi siyang mabait...pero hindi pa rin talaga ako masaya na pinaghintay nila ako dito nang matagal.

"Pleasure is mine as well. So...Let's get down to business. Mukhang kanina ka pa kasi naghihintay" She said sabay tingin sa mga empty cups na nasa table ko.

Ngumiti na lamang ako bilang tugon dahil baka may masabi pa akong hindi papabor sa akin.

"Ok just so you know we're very picky at hiring people but because you are highly recommended by a trusted friend we'll give you a chance." She stated at tiningnan ako ng napakaseryoso.

Hindi naman ako umimik at hinintay na lamang na ipagpatuloy niya kung ano man ang sinasabi niya.

"I hope you understand. Security of a family member ang nakataya rito and based sa resume mo wala kang experience and no any proof kahit certificates man lang na magpoprove na nag-undergo ka ng special training to qualify for this job but then again...you are highly recommended by our friend so...How about a week for a trial?" Saad nito na tila nagsusumamo.

Medyo napaisip naman ako ng kaunti. Tila despirado na silang makakuha ng bodyguard.

"I'm in" Pagpayag ko na nagpangiti naman sa kanya.

"Sure ka ba talaga na ito ang job preference mo? Ayaw mo ba maging artista or model? You have the body and the looks. Pasisikatin kita katulad ni Rhian."

Napatawa naman ako ng bahagya at nailing. Bigla naman yatang naging talent scout itong kausap ko.

"No..no thank you but...I prefer to have a little privacy" Sabi ko.

"Ok. So congrats. Galingan mo para magtagal ka. Tska para di na kami laging nahihirapan sa paghahanap ng bodyguard niya. Mamaya nga pala yung start mo. 8pm pero dapat 6pm pa lang nandun ka na. Don't be late" Paalala nito.

Hindi rin naman nagtagal ang usapan namin at nagpaalam na kami sa isa't isa.

Inalok pa niya ako ng ride dahil wala akong dalang sasakyan pero tinanggihan ko.

Maaaga pa naman.

Habang naglalakad ako sa tabi ng kalsada di ko naman maiwasang hindi mapatangin sa babaeng naroroon sa napakalaking billboard.

Rhian Denise Ramos Howell.

Isang sikat na artista na mas kilala bilang Rhian Ramos. At mamaya ay magiging bodyguard na niya ako.

Sa di malamang kadahilanan ay napakaraming banta sa buhay niya. Lagi siyang laman ng mga balita. Kung hindi tungkol sa career niya, tungkol naman sa muntik na siyang madukot o anumang kapahamakan. Daig niya pa nga ang presidente ng bansang ito.

The Descendants of Fire (Rastro Fanfiction)Where stories live. Discover now