Eleven

458K 3.8K 417
                                    

ELEVEN

"Kapag ba sinabi ko sayong gusto kita, maniniwala ka ba sa akin?"

Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita na ngayon ay nakatayo sa harapan ko.

I don't know what to say. Saan nanggaling yung sinabi niyang yon?

Tinabihan niya ako sa upuan.

"Ano namang klaseng tanong yan?"

"I know you're shocked. At alam ko rin na hindi ako showy pagdating sa feelings ko sayo pero heto, nasabi ko na. Arkisha, I like you. Will you give me the chance to prove it?"

I looked at him. Ang pula ng mukha niya. Halatang halata ang kaba sa reaksyon at boses niya. Pero ano ba ang dapat kong sabihin?

Maging ako, nagulat sa rebelasyon niya. Oo, mabait siya sa akin. He's thoughtful pero hindi ko naman inisip na may gusto pala siya sa akin.

Bakit ba ganito ang mga lalaki ngayon? Ano bang nakain nila? Kahapon, si Adam, kung anu-anong sinasabi, na kesyo seryoso naman daw siya sa akin. Tapos ngayon, eto namang si Gab? Ano ba talaga?

"Gab, magkaibigan tayo. You're nice to me..."

Napayuko siya.

"Okay lang sa akin kahit hindi ka sumagot ngayon. I am willing to wait. Sana lang talaga hayaan mo akong i-prove sayo na karapat-dapat ako sayo."

Naningkit ang mata ko.

"You can't be serious," nasambit ko.

Nag-angat siya ng tingin at tiningnan ako.

"I am serious about my feelings and my intentions, Arkisha."

Whoa!

Oo nga. Seryosong seryoso nga ang mukha niya. Si Adam ba kahapon, ganito rin ba ang itsura niya nung sinabi niyang seryoso siya sa sinasabi niya?

Syempre HINDI!

Mas gwapo si Adam kay Gab eh.

Pero gwapo rin naman si Gab. Mas matangkad nga yata siya kay Adam eh. Ewan, di ako sigurado. Maputi si Gab. Mas neat tingnan kesa kay Adam, pero parehas silang mabango.

Pero teka, bakit ko ba sila ikinukumpara? Bakit kay Adam ko siya ikinukumpara? Alam ko naman na kahit sinong ikumpara ko kay Adam, si Adam pa rin ang mananalo sa akin!

"Paano kung sabihin ko sayong may boyfriend na ako?"

Syempre joke lang yon!

"Kung masaya ka sa taong mahal mo eh di masaya na din ako para sayo. Basta gusto pa din kita? Yung bang lalaki na kasama mo sa tapat ng boarding house mo ang boyfriend mo?"

Ang dami naman niyang sinabi. At talagang si Adam ang tinukoy niya ha. Sabagay, si Adam lang naman kasi ang palagi kong kasamang lalaki.

Ngumiti ako sa kanya.

"Hindi. Nagbibiro lang ako. Hindi ko siya boyfriend."

Ay! Wish ko lang!

Napansin kong ngumiti siya. Nalintikan na! Tinamaan nga ata sa akin ang lalaking to!

"May gagawin ka ba tonight?"

Naman. Is he asking me for a date? Dapat pala pinanindigan ko na lang na may boyfriend ako kahit wala.

"May trabaho ako pagkatapos ng klase ko eh."

Totoo yun!

"Ganun ba? Would you mind if ihatid na lang kita?"

Takte! Nagsisimula na ba 'tong manligaw? Sinabi ko ba na gusto kong magpaligaw??

Hindi naman diba?!

"Please??"

Pero diba, wala namang masama kung pumayag akong magpahatid? At least makakatipid ako sa pamasahe.

"Sige," sagot ko.

"Great! Sunduin na lang kita sa classroom mo."

When the bell rang, inihatid pa niya ako sa classroom ko.

"Hmmm, may inililihim ka ata sa amin?" tanong ni Ella.

Kinuha ko ang notebook ko mula sa bag ko at nag-review.

"Arkisha," tawag ni Ella.

"Wala akong inililihim, okay?" sagot ko.

"Ows? Bakit kayo magkasama ni Gab?"

"Bakit? Masama ba?"

"Masama. Kasi you're cheating."

What?! Me? Cheating? I don't understand.

I looked at her. Naguguluhan.

"Bakit ka gumaganti kay Adam? Bakit mo siya niloloko?" tanong ni Ella.

WHOA! Now I'm the cheater here?!

"First of all, hindi ako gumaganti kay Adam. Second, hindi ko siya niloloko. And last, wala kaming relasyon ni Adam or ni Gab. Malinaw na ba?"

Kumunot ang noo niya.

"Pero diba magkasama kayo sa bar? Ipinagtanggol ka pa nga niya? Siya ang iyong knight in shining armor."

Napangiti ako. How sweet...

"That doesn't mean anything, Ella."

Pumasok na ang professor namin at naiwang tulala si Ella sa mga narinig niya.

Just like what Gab said, sinundo niya ako sa classroom ko at palabas na kami ng gate. Sa labas pala kasi naka-park ang kotse niya.

"Gab!"

May tumawag sa kanya. Nilapitan siya nung lalaki. Kateam mate niya yata sa basketball, I guess. Gab excused himself. May importante lang daw sasabihin yung guy. And I let them talk.

Naging malikot ang mata ko. Nagpagala-gala sa paligid, habang kausap pa ni Gab yung team mate niya.

And guess who I saw?

A drop dead gorgeous man na nakasandal sa kotse niya.

What the hell is he doing here? Bakit siya nandito sa school ko? Diba dapat nasa office na siya and working?

"Adam,"bulong ko.

Pero nakakita ako ng lungkot sa mata niya. Pumasok na siya ng kotse niya at pinahuhurot ng takbo ang sasakyan niya.

"Let's go?" yaya ni Gab. I just nodded at sumakay na ako sa kotse niya.

Hanggang makarating sa trabaho ko, si Adam ang nasa isip ko, asking myself kung sino ang pupuntahan niya sa school ko. Ako ba? Then why?



EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now