Forty Seven

231K 2K 614
                                    

Adam's POV

Excited na akong umuwi. Nasa eroplano pa lang ako, iniisip ko na kung ano ano ang mga gagawin namin ni Arkisha kapag nagbakasyon kami. Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. I miss her so much!

At dahil gabing gabi na ang dating ko sa bansa, iniisip ko tuloy kung pupuntahan ko na ba siya agad sa kanila o ipagpapabukas na lang. Pero gusto ko na talaga siyang makita eh.

Pagkababa ko ng eroplano, tinawagan ko kaagad siya. Hindi naman niya sinasagot. Sigurado ako masusurprise siya pag nakita niya ako. Ang alam niya kasi isang linggo ako sa Singapore buti nga maaga ako nakauwi.

Oo nga pala, ngayon ang party sa school nila. Eh di sigurado gising pa yun. Baka hindi niya naririnig ang phone niya sa ingay.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Arkisha pero hindi niya talaga sinasagot hanggang sa nalowbatt na ata ang phone niya.

Mabuti na lang naisip ko may number nga pala dito sa phone ko ang kaibigan niya, minsan na kasing yong tinawagan ni Arkisha gamit ang phone ko.

"Hello, Ella. Kasama nyo ba si Arkisha? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan eh, hindi naman niya sinasagot."

"Kasama namin siya kanina, pero ngayon si Brent na ang kasama niya", sagot ni Ella.

SI BRENT?? SI BRENT NA NAMAN?

Relax Adam. Wag paunahin ang selos.

"Bakit siya kasama ni Brent? Bakit hindi nyo siya kasama?"

"Eh kasi, isinabay siya ni Brent papunta sa condo niya, eh kami naman ni Jane sa kabanda ni Brent kasabay, kaso nasiraan kami. Hanggang ngayon nga andito pa kami sa daan, inaayos pa."

"Sige, pupunta ako sa condo ni Brent, kakaunin ko na lang siya doon. Salamat."

Nagdrive ako papunta sa condo ni Brent. Mabilis. Mabuti na lang wala na din masyadong sasakyan sa daan kasi nga masyado ng gabi.

Nakita ko sa daan sina Ella.

"Adam! Pwede bang sumama na kami sayo?" sabi niya.

Pumayag naman ako. Kesa naman iwan ko silang dalawa sa mga lalaking kasama nila ngayon. Dali dali akong nagdrive, mas mabilis sa kanina.

Nang makarating kami sa tapat ng pinto, nagdoorbell at nilakasan ko ang katok, pero walang sumasagot.

"Sigurado ba kayo na dito sila nagpunta?" tanong ko sa dalawa.

"Oo, sigurado kami", sagot nila.

Kumatok ulit ako pero wala talagang sumasagot. Sunod sunod na din ang doorbell ko. Nag-aalala na tuloy ako kay Arkisha.

Sinubukan kong buksan ang pinto at nakapagtataka, bukas ito. Hindi nakalock. Pumasok kaming tatlo.

"Arkisha?" tawag ko.

Walang sumasagot.

"Brent? Arkisha?" tawag nina Ella.

Napansin kong nakaawang ang pinto ng isang kwarto. Hindi ko alam pero may nag-udyok sa akin na buksan at sumilip sa kwartong yun.

Pagkabukas ko ng pinto, tumayo lahat ng balahibo ko. Nanginig ang katawan ko. Kitang kita ng dalawang mata ko ang kataksilan nilang dalawa.

Nakahiga sa kama ang babaeng minamahal ko, nakapikit. Katabi niya si Brent at nakayakap sa kanya. Tanging puting kumot lang ang bumabalot sa katawan nila.

Tumingala ako upang pigilan ang mga luhang nagbabantang pumatak sa mata ko.

"Arkisha.." mahina kong tawag. Garalgal ang boses ko. Nakita ko siyang gumalaw. Iminulat niya ang mata niya. Kinusot pa iyon.

"A-adam??" gulat siya sa pagbanggit ng pangalan ko. Dapat lang na magulat siya dahil huling huli ko silang dalawa.

Gumalaw na din si Brent. Hindi ko na pinatagal pa. Nilapitan ko si Brent at agad na sinuntok.

Ang tanging gusto ko lang gawin nang mga oras na yon ay patayin siya. Patayin ng suntok ko.

"HAYOP KA BRENT! AKALA KO GAGO AKO, MAS GAGO KA PALA! P*TANG INA!" sabi ko sa gitna ng mga suntok ko sa kanya.

Nakapagtataka, hindi siya gumaganti. Tinatanggap niya lang ang bawat suntok na ibinibigay ko sa kanya. Palibhasa kasi GUILTY siya! GUILTY silang dalawa!!

"Arkisha!" narinig kong tawag ng mga kaibigan niya at nilapitan niya ang babaeng may dahilan ng lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Adam, tama na! Ano bang nangyayari?" sigaw niya. Nagmamaang maangan pa siya!

"Arkisha, magbihis ka", sabi nung mga kaibigan niya at tinulungan siyang magbihis.

Tiningnan ko ng masama si Arkisha.

"AKO PA ANG PAPATIGILIN MO? TALAGANG IPINAGTATANGGOL MO ANG LALAKI MO NO?! MAGSAMA KAYONG DALAWA! TAPOS NA TAYONG DALAWA! TAPOS NA TAPOS NA!!"

T*NGNA TALAGA!

Matapos ko siyang sigawan, lumabas na ako ng kwarto. Hinabol pa ako ni Arkisha, hinawakan niya ako sa braso.

"Adam wait! Wala kaming ginagawang masama! Please!" pagmamakaawa niya. Alam ko din na umiiyak na siya base sa boses niya.

Pero hindi ko siya kayang tingnan. Hawak niya ang kamay kong ipinansuntok sa lalaki niya. Masakit yon, oo. Pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko, kaya mas lalo ko siyang hindi tiningnan.

"Adam, please. Magpapaliwanag ako!!"

Paliwanag? T*ngna naman! Ano pang paliwanag ang sasabihin niya? Eh kitang kita ko na, tatanggi pa siya? Gaguhan ba ang larong gusto niya?!

At anong sasabihin niya sa aking ginagawa nilang dalawa doon? Nagjajack en poy?!

Tinanggal ko sa pagkakahawak niya ang kamay ko. Napalakas sa galit ko na rin siguro.

"Wala na tayong dapat pag-usapan", mga huling salita na binitawan ko sa kanya at tuluyan na akong naglakad palayo.

Rinig ko ang bawat hikbi niya kasabay ang pagtawag niya sa pangalan ko. Bawat hakbang ko palayo, tumutulo ang luha ko.

Akalain mo, ang isang Adam Jacob Castrences, umiiyak.

F*CK!

Siguro sino mang makakasalubong ko, tatawanan ako, pero kahit sinong lalaki naman siguro ang makakita nang ganung sitwasyon, ganito din ang mararamdaman.

Wala ng mas sasakit pa kapag pinagtaksilan ka ng taong mahal na mahal mo. Alam ko na niloko ko siya dati pero dapat ba niya talaga akong gantihan? Kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal!

Siya ang buhay ko kaya naman pakiramdam ko tuloy ngayon, NAMATAY NA ANG BUONG PAGKATAO KO.


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now