Nineteen

387K 3.3K 374
                                    

NINETEEN

"O? Bakit para kang nakakita ng multo? Hindi mo ba ako papasukin?" tanong ng babae kay Adam.

Nang makabawi sa pagkatulala si Adam ay pinatuloy niya ito. I am so clueless kung sino siya. Mabuti na lang maayos ang suot kong damit.

"What the hell are you doing here?!" galit na tanong ni Adam.

Nakatingin sa akin ang babae. Nakangiti siya.

"Siya ba ang palagi mong kinekwento sa akin?" tanong niya. "I'm Venice, Adam's sister. I'm so glad to finally meet you! Palagi kang kinekwento sa akin ni Adam noon", pakilala niya.

Hindi ko alam kung saan ba ako magugulat. Is it to the fact na ang mala-dyosang kaharap ko ngayon ay kapatid pala ni Adam o yung sinabi niya na palagi daw ako kinekwento ni Adam sa kanya.

Nilingon niya si Adam na ngayon ay blanko ang ekspresyon.

"She is so pretty!"

I know. Pero mas maganda siya sa akin. Lahi na nga yata nina Adam ang mga magaganda at gwapo. Tapos dadagdag pa ako! Pwedeng pwede talaga!

"Diba dapat nasa Australia ka ngayon? What brought you here?" tanong ni Adam.

"Airplane", sagot ng kapatid niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sagot ng kapatid niya. Marunong din pala siyang magbiro. Mukhang may katapat na si Adam.

Nagdiretso si Venice sa dining table at nakita ang mga niluto ko.

"Wow! I'm pretty sure ikaw nagluto nito. Tamad magluto yang si Adam eh. I miss all of these!"

Sabik na sabik siya sa mga niluto ko.

"I hope you don't mind?" pagpapaalam niya.

"Oh! Oo naman. That's fine. Let's eat?" yaya ko at kumuha pa ako ng extra plate para sa kanya.

Mukha namang nasasarapan sa luto ko si Venice. Ganadong ganado siya sa pagkain eh, samantalang si Adam, nakain na yata niya ang dila niya. Hindi pa ulit nagsasalita eh.

"So you're working now, right?" tanong ni Venice sa akin.

"May part time job ako tuwing gabi sa coffee shop, nag-aaral naman ako sa umaga. Isang taon na lang naman", sagot ko.

Bakas sa mukha ni Venice ang pagtataka. Maybe she's just amazed na nag-aaral ako at the same time, nagtatrabaho.

"Oh, I see. Mula kasi ng grumaduate si Adam, hindi na siya nagkwento eh. Marami na nga siguro akong na-miss."

"Arkisha, ihahatid na lang kita sa school mo", sabi ni Adam.

"Arkisha.." narinig kong binanggit ni Venice ang pangalan ko. Mahina ang pagkakasabi niya. Parang may inaalala.

"Wag na Adam", tanggi ko. "Okay lang ako. Sobra sobra na nga yung pagkupkop mo sa akin ngayong gabi eh."

Tiningnan ko si Venice. Nakatungo lang siya. Nginunguya ang pagkain. Mukhang may iniisip.

Kung posible lang ang teleport, sigurado ako sa mga oras na ito ang gusto lang naming tatlo ay maghiwa-hiwalay ng lugar. Alam kong may mali. Alam kong alam din nila. Wala lang gustong umamin.

**

"Meron akong good news at bad news", sabi ni Ella. Magkasama kami sa school. Katulad ng sinabi ko kay Adam, hindi na ako nagpahatid sa kanya. Ayoko siyang makasama. Kanina nga nung breakfast, gustong gusto ko ng umalis.

"Anong gusto mong unahin ko?" tanong ni Ella.

"Kahit ano. Bahala ka", mahina kong sagot.

Kumunot ang noo ni Ella. "Bakit parang wala ka yatang energy ngayon? Anong nangyayari sayo? Madami bang nanakaw sayo kagabi?"

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now