Fifty Six

246K 3K 713
                                    

Arkisha's POV

Tahimik lang ako habang nagmamaneho si Venice. Mahigit tatlong oras din ang byahe pauwi sa probinsya namin. Sinabi ko sa kanya ang address

"Gusto mo bang matulog? Or nagugutom ka ba?" tanong niya. Sinulyapan niya ako pero agad din niyang ibinalik ang tingin niya sa daan.

"Okay lang ako. Ayokong matulog", sagot ko. Kailangan ko din kasing sabihin sa kanya ang direksyon kahit pa sinabi ko sa kanya ang address. Mahirap na baka maligaw pa kami.

"Venice", tawag ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Thank you."

"Ano ka ba? This is nothing. Gusto ko naman itong ginagawa ko."

Hindi na ako sumagot.

"Alam mo bang galit na galit si Paris?"

"Matagal na naman siyang galit sa akin diba?"

"No. Hindi sayo. Kay Scarlett. In fact, siya pa nga ang nagpakulong dun eh", tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Paanong?"

"Would you believe siya ang unang nakaalam ng lahat? I mean, yung totoong pagbubuntis ni Scarlett and yung panloloko nito na si Adam daw ang ama. Pinaimbestigahan niya."

"Si P-Paris?"

Hindi ata ako makapaniwala.

"Yes. Akalain mo, natuto din. Akala ko nga forever na siyang magpapauto dun kay Scarlett eh."

Hindi pa rin ako makapaniwala. I can still remember how mean she was to me tapos ngayon ito pa daw ang nagpakulong kay Scarlett?

Nang makarating kami sa bahay. Bumaba muna kami sa kotse. I invited her in.

"ATE!"

Sumalubong sa akin si Ian, remember him?

"Bakit ka nandito? Ang taba mo!"

Ginulo ko ang buhok niya.

"Hindi ako mataba noh!"

Tumataba na ba ako?

"Si Mama?" tanong ko.

"Nasa kapitbahay lang yon. Teka tatawagin ko."

Tumakbo na siya palayo.

"Kapatid ko, si Ian", sabi ko kay Venice at umupo kami sa sofa.

"All this time akala ko only child ka, may kapatid ka pala", sabi niya.

"Oo, dalawa lang kaming magkapatid."

Dumating na si Mama. Niyakap ko siya.

"Ma!"

"Arkisha, bakit ka nandito? Akala ko--"

"Ma, si Venice--", pakilala ko. Paano ba to?

"Kaibigan po niya", sagot ni Venice. Tumayo siya at nagpakilala. "Inihatid ko lang po si Arkisha dito."

Tiningnan ako ni Venice at nakuha na niya siguro yung tingin na hindi-pa-alam-ni-Mama.

"Teka nga, bakit biglaan ang pag-uwi mo? Hindi ka man lang nagpasabi?"

"Oo nga po eh. Dito po muna sana ako magbabakasyon."

"Ah, mabuti naman at namimiss ka na din namin ng kapatid mo."

"Ate, nasaan na ang pasalubong ko?"

Lagot. Mangungulet to.

"Ano kasi, nakalimutan ko sa boarding house. Napasama ata sa gamit nung kaboardmate ko. Babawi ako, next time", pagsisinungaling ko.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now