Fifty Five

247K 2.5K 326
                                    

Venice's POV

"Alam mo kung anong problema sayo? Masyado kang insecure sa sarili mo which is hindi naman dapat. Hirap na hirap ka dati na makuha ang tiwala ni Arkisha samantalang ikaw naman talaga ang hindi kayang magtiwala sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi iniisip mo na lahat ng tao katulad mo! Katulad mong mahirap pagkatiwalaan. Konting pang-unawa lang ang hinihingi sayo ni Arkisha noon, pero ipinagdamot mo. Pwes magdusa ka ngayon, Adam Jacob!"

Matapos kong sabihin yan kay Adam, agad kong hinanap si Arkisha. Kailangan kong maunahan si Adam. Sisiguraduhin kong ako ang mauuna sa boarding house ni Arkisha.

May babaeng nagbukas ng gate ng dumating ako.

"Hi! Si Arkisha?" tanong ko. Siya yata yung pinakamatanda sa kanila.

"Wala siya dito. Pinuntahan siya ni Jane eh sa isang restaurant. Kani kanina lang", sagot niya.

"Pwede ko bang malaman kung saang restaurant?"

Sinabi naman niya sa akin kung saan.

"Can I ask you a favor?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ano yon?"

"Please, kapag nagpunta dito ang kapatid kong si Adam, don't tell him kung nasaan si Arkisha."

Halatang naguguluhan siya sa sinabi ko.

"I know ayaw mo na din naman na makikitang nasasaktan si Arkisha, right?"

She nodded.

"Please?"

"Okay."

Umalis na ako. I just hope hindi niya talaga sabihin. Mabuti naabutan ko siya sa restaurant na yon. We talked and I offered her na ako na ang maghahatid sa kanya. Umalis muna ako saglit at sinabi kong babalikan ko siya, pero nang binalikan ko siya sa restaurant wala na sila ng kaibigan niya.

I called her at sinabi naman niya kung nasan sila. Nagdiretso na kami sa boarding house niya and packed her things. Tinutulungan siya ng mga kaibigan niya.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong nung babae na napagtanungan ko kanina.

"Oo Ate Gem. Salamat sa lahat ha", sagot ni Arkisha.

"Nagpunta dito si Adam kanina."

Natpatigil si Arkisha sa pagiimpake pero saglit lang. Nagpatuloy ulit siya.

"I told you. Anong sinabi mo?" tanong ko.

"Sabi ko hindi ko alam kung nasan siya."

"Thank you", sagot ko. Tumingin pa sa akin si Arkisha at nginitian ko lang siya.

"Anong meron? OUTING? Sama ako!"

Bigla na lang may isang babae na sumulpot sa pinto. Must be one of her friends.

"Outing? Mga maleta?! Isip isip din, Ella", sabi nung Jane.

"Malay ko ba kung feel nyo magbakasyon ng mga 1 week o!"

"Hay naku Ella, saan ka ba galing?"

"Ate Gem talaga, namiss mo kaagad ako? Dumuty lang", sagot nung Ella.

Ah Gem nga pala pangalan nun.

Tiningnan ni Arkisha si Ella.

"DUMUTY ka?" nagtatakang tanong ni Arkisha. Parang may kakaiba yung dating sa tanong. What's with DUTY?

"Biro lang. Kayo talaga! Wala naman akong trabaho", at tumawa si Ella.

Pumikit si Arkisha at napailing.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now