Fourteen

423K 3.7K 365
                                    

FOURTEEN

Maaga akong nagising. May exam pa nga pala ako ngayon, nakalimutan ko na kagabi. Ang pag-alis kasi ni Adam at ang mga ginawa namin kagabi ang laman ng utak ko. Pero kahit hindi ako nakapagreview, alam ko kering keri ko ang exam.

Hindi ko na ginising si Adam, dahan-dahan na lang akong bumangon at inayos ko ang sarili ko. Habang sinusuklay ko ang buhok ko, napansin kong gumalaw si Adam mula sa pagkakahiga sa kama. Nagising yata.

Nagmulat ang mga mata niya.

"Good morning," bati niya. I just smiled. "Aalis ka na?" tanong niya.

Tumango lang ako.

"Ah. Pakilock na lang ng pinto pag-alis mo ha?"

Paglingon ko sa kanya, nakangisi siya. Kumunot ang noo ko at isinubsob ang mukha niya sa unan.

Hmp! Bahala siya! Kung inaakala niya na mag-gu-goodbye kiss ako sa kanya, manigas siya! Kung aalis siya, umalis siya! Buong araw akong hindi makikipagkita sa kanya. Siguro kung magkikita man ulit kami, pagbalik na niya mula sa kung saang man bansa yun at hindi ko alam kung kailan yun. Titiisin ko siya!

Nakakainis naman kasi. Kagabi pa siya ganyan. Hindi ko man lang maramdaman na mamimiss niya ako pag-alis niya samantalang ako halos mamatay na dito. Tatawanan lang ako. Ano kaya yun?

Ah. Siguro, madaming magagandang babae sa pupuntahan niya. Australia? Well, malamang nga.

Papalabas na ako ng kwarto at tiningnan ko ulit siya. Kahit gusto ko siyang yakapin sa huling pagkakataon bago siya umalis, hindi ko magawa. Ang hirap naman kasi ng ganito, hindi ko alam kung gusto niya rin ba akong yakapin o hindi. Nakatitig lang siya sa akin. Parang may pinipigil na tawa. Gusto ko na tuloy siyang patayin ng titig ko.

Hinihintay kong alukin niya ako na ihatid niya ako para man lang mas matagal ko pa siyang makasama, pero wala akong narinig mula sa kanya. Baka nga naman mag-iimpake pa siya.

"Bye," ang tanging nasabi ko. Isinara ko ang pinto at lumabas na.

Sa pagkakataong ito, alam kong madami ng magbabago. Mawawala sa buhay ko si Adam na dapat ay noon pa nangyari kung di lang dahil sa set-up namin.

Minsan nga iniisip ko, paano kaya kung walang ganitong set-up? Kung walang benepisyo? Kung pagkatapos naming mag-break noon ay naghiwalay na kami ng landas?

Magiging ibang Arkisha kaya ako? Pero dahil kay Adam, naging matapang ako. Dahil sa kanya, natuto akong maglihim. Magtago. Lalo na ng totoo kong nararamdaman.

Kung wala kaya akong nararamdaman para kay Adam, makakaya ko kayang pumasok sa ganitong sitwasyon?

Sa tingin ko, oo. Pero hindi ganito katagal.

Nang malaman kong may ibang babae noon si Adam, noong kami pa, halos sumabog ang mundo ko. Sobrang laki ng tiwala ko sa kanya kaya sobra rin akong nasaktan. Alam kong playboy siya noon, pero ipinaramdam niya sa akin dati na ako lang.

Kung nagkaroon sila ng relasyon nung babae niya in the middle of our relationship, hindi ako sigurado. Pero kahit saang anggulo tingnan, niloko niya ako. Girlfriend niya ako noon, but still, nakikipagdate sya sa babaeng yon.

Ilang gabi rin akong umiyak. Bakit ganoon? Hindi naman si Adam ang una kong naging boyfriend, pero sa kanya ko naramdaman ang first super duper heartbreak.

Noong bata pa ako, takot ako sa dilim. Takot ako sa multo, sa engkanto at sa lahat ng nakakatakot. Isa akong duwag pagdating sa dilim. Pero simula nang maghiwalay kami ni Adam, simula nang lokohin niya ako, hindi ko maintindihan pero ngayon, nakakaya ko nang mag-isa sa dilim. Nakakaya ko ngang mag-isang matulog sa boarding house. Minsan nga tinatakot ko pa sina Ella sa mga multo at isa-isa silang kakaripas ng takbo at tatawanan ko lang sila. Lahat ng yan ay dahil sa isang bagay na na-realize ko. Na walang ibang nakakatakot kundi ang mahiwalay kay Adam. Ganun ko siya kamahal.

EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon