Fifty Three

247K 3K 676
                                    

Paris' POV

Nang madampot ng mga pulis si Scarlett, sumunod ako sa hospital. Isinama ko ang anak ni Brent.

When I saw this kid, nagtaka na ako. Sino nga ba ang batang ito? Bakit wala namang nabanggit sa akin si Scarlett tungkol sa kanya?

Mula noon, I decided na magpaimbestiga. Nalaman ko ang lahat. Magaling ang private investigator na binayaran ko. Nalaman ko na nabuntis nga noon si Scarlett, nakunan nga siya pero hindi si Adam ang ama. Inis na inis ako noon sa sarili ko dahil naniwala ako sa kanya. Nalaman ko rin na dahil sa miscarriage niya, hindi na siya maaaring magkaroon ng anak. Well, at that point, nakaramdam ako ng awa para sa kanya pero niloko niya pa rin ako at ang pamilya ko. I helped her to win Adam back, yun pala wala namang point yun. Madami tuloy kaming nasaktang tao lalong lalo na sina Adam at Arkisha.

Sinabi ko ang lahat ng iyan kay Venice kaya naman galit na galit siya at agad niyang pinuntahan si Arkisha para alamin ang mga nangyari.

Nang ibinilin niya sa akin ang bata pagkaalis ni Venice, naramdaman ko na noon na may binabalak siya. Kaya naman sinundan ko siya at that time tumawag ulit sa akin ang private investigator at nalaman kong anak ni Brent ang bata. Tama ang hinala ko. Kaya ibinilin ko noon sa katulong na huwag na huwag ibibigay kay Scarlett ang bata at huwag na huwag siyang papasukin sa loob.

Pagkadating namin sa hospital, I saw Adam, he's facing the wall at nakasubsob. Daig pa niya ang nalugi. Pero diba ok naman ang mag-iina niya? What happened?

"Venice!"

**

Brent's POV

Nang madala ko si Arkisha sa hospital at sinabi ng doktor na okay na ang lagay niya at ng mga bata, nakahinga ako ng maluwag.

"BABIES?"

Hindi ko akalaing kambal pala ang ipinagbubuntis niya. Mas lalo akong nakonsensya at naawa sa nalaman ko.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya. Pagpasok ko nagmulat ang mga mata niya.

"Arkisha.." tawag ko.

She looked at me.

"Ano na namang ginawa mo sa akin? Bakit ako nandito?!" galit niyang tanong.

Nilapitan ko siya.

"Arkisha, please calm down, makakasama sa mga anak mo."

Nag-alala ang ekspresyon niya.

"Ang mga baby ko? Anong ginawa mo sa kanila?!" sumisigaw pa rin siya habang hawak niya ang tiyan niya.

"Maayos ang kalagayan nila. You don't have to worry", pinipilit ko siyang pakalmahin.

"Bakit ka nandito? Sasaktan mo na naman ako ha?! Hayop ka talaga!!"

Hinahampas niya ang braso ko habang umiiyak na siya. Pinipigilan ko naman siya.

"Arkisha listen!" sumisigaw na din ako. Alam kong nasa hospital kami pero ayaw niya kasi talagang kumalma.

"No! Wala kang karapatang utusan ako! Magsama kayo ng kapatid mong walang puso!"

Iyak pa din siya ng iyak. Niyakap ko siya pero pilit niya akong inilalayo sa kanya. Masakit marinig ang salitang binitawan niya pero may karapatan nga ba akong masaktan sa puntong ito?

"Please, makinig ka muna and please stop crying. Baka makasama sa babies mo. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag nangyari yun", sabi ko at unti unti na siyang kumakalma.

"I'm sorry na nagawa ko yun sayo. Tinakot niya ako, baka kung anong gawin niya sa anak ko", panimula ko.

Nag-angat siya ng tingin at talaga namang nagulat siya sa sinabi ko.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now