Ten

458K 3.9K 286
                                    

TEN

"Bakit ngayon nyo lang sinabi?!"

Ano bang ingay yon?

"Akala ko next week pa ang dating nya?!"

Pagmulat ko, nakita ko si Adam may kausap sa phone na kulang na lang ay murahin niya. Nagmamadali siyang magbihis.

"Okay. Papunta na ako."

Then he ended the call.

"Buti gising ka na. Magbihis ka na, ihahatid na kita," sabi niya sa akin.

Bakit ba mainit ang ulo niya? Siya na nga 'tong bossy kagabi!

"Okay ka lang ba?" tanong ko at inayos ko na rin ang sarili ko.

Hindi siya mapakali sa loob ng kwarto. Para siyang pusang hindi mapaanak. Nasaan ba ang bra ko? Hindi ko pa makita. Kung kailan naman nagmamadali oh!

"My mom called me at sinabi niya na ngayon dadating si Daddy. Alam mo naman ang ibig sabihin non diba?"

Found it!

Teka? Anong sabi ni Adam? Tinapunan ko siya ng tingin.

"Arkisha, I don't know what to do," napaupo siya sa kama. Sa wakas tumigil din siya sa paglalakad sa loob ng kwarto.

Tinabihan ko siya.

"Adam, I know you can do it. I believe in you. Kaya mong i-manage ang kumpanya ninyo."

"I don't think I'm ready for this," sabi niya.

"In other words, wala ka pang balak magseryoso sa buhay?"

Kumunot ang noo niya.

"Seryoso naman ako sa buhay ko."

"Says who?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Mukha ba akong hindi seryoso?"

"Sige nga, saan ka naging seryoso?" hamon ko sa kanya.

"Sa'yo."

Sa akin??

"See Adam? Sa pagsagot pa nga lang ng napakasimple kong tanong hindi mo pa magawang magseryoso eh!"

Tumayo ako at tinalikuran siya. Bwisit siya! Alam na alam kung paano ako inisin!

"Eh seryoso naman talaga ako sayo eh," bulong niya.

Hinarap ko ulit siya. "Alin? Saan? Sa bed? Well, baka nga."

Sinuklay ko na ang buhok ko.

Lumungkot ang mukha niya. Binuksan na niya ang pinto.

"Halika na. Huwag ka ng magsuklay. Maganda ka na," sabi niya.

"Seryoso ka na niyan?"

Lumapit ako sa kanya.

"Bahala ka. Kung ayaw mo pa ring maniwala sa akin, wala na akong magagagawa."

Ngumiti ako at kinurot ko ang pisngi niya.

"Nhaks! Ang drama ng mama! Hahaha!"

Natatawa ako sa kanya pero deep inside, gusto kong kiligin.

pWs

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now