Sixty Seven

229K 2.6K 1K
                                    

Arkisha's POV

Hindi biro ang mag-alaga ng kambal. Tapos etong si Adam matatagalan pa daw sa Manila. Mabuti na lang, tinutulungan ako ni Jam sa pag-aalaga sa kambal.

"Ate, may naghahanap sayo", sabi ni Ian.

Lumabas ako at sinilip kung sino ang taong yun. Karga karga ko pa nga si Landon eh.

Halos manginig ang buong katawan ko ng makita ko kung sino ang tinutukoy ni Ian. Si Ian nakatitig lang sa kanya.

"Ian, pumasok ka muna sa loob", utos ko.

"Ate, sino po ba siya?" makulit na tanong ni Ian.

"Ian", sambit ng lalaking kaharap ko.

"Diba sinabi ko pumasok ka muna sa loob? Wag ng matigas ang ulo!"

Nang sumigaw na ako, agad na niya akong sinunod.

"Shak--", tawag na lalaking kaharap ko at unti unti siyang lumalapit sa akin.

"Arkisha po ang pangalan ko", pagtatama ko.

"Arkisha, anak.."

Tiningnan ko siya. Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko siya ngayon. Masasabi kong maganda ang pananamit niya at hindi na ako magtataka kung bakit. Kasi yan naman talaga ang ginusto niya.

"Anak? Anak na ngayon?" may himig na panunumbat na sabi ko.

"Anak, patawarin mo ako kung iniwan ko kayo noon. Nagkamali ako."

Nagpapatawa ba siya? Ngayon niya aaminin na nagkamali siya?

"Bakit ka ba bumalik?! Nakalimutan ka na namin, alam mo ba yon?"

I may sound rude, but what can I do? Lahat ng sakit heto na naman ulit. Alam nyo yung pakiramdam na kinalimutan mo na yung isang tao tapos heto na naman siya, magpapakita at kung ano ano ang sasabihin.

"Nandito ako para humingi ng tawad sa inyong mag-iina. Gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko noon. Lalong na sa inyong magkapatid. Lahat ng mga pinangarap ko sa inyo noon, heto na, kayang kaya ko ng ibigay sa inyo."

Yeah right. Hinawakan ko ang kamay ni Landon na kanina pa hinahawakan ang buhok ko.

"Hindi ko naman kailangan ang yaman nyo eh. Kahit naman noong walang wala tayo diba okay naman kami? Ang problema sa inyo, masyadong mataas ang pangarap nyo. Sa sobrang taas, iniwan nyo kami! Mas pinili nyong sumama sa babaeng yon!"

Hindi ko na napigilang magtaas ng boses. Bakit ba? Totoo naman ang mga sinabi ko. Nagpunta siya dito, dapat matapang siyang harapin lahat.

"Anak, patawarin mo ako. Mahal na mahal ko pa rin kayo. Alam kong nagkamali ako. Kung maganda man ang buhay ko ngayon, yon ay dahil nagsikap din naman ako. Dumating sa puntong pabagsak na ang kumpanya ni Caroline at ako ang umayos noon. Nang mga panahong yon, may sakit na pala siya at hindi nagtagal pumanaw siya. Masakit din sa akin ang mga nangyari. Sinabi niya sa akin bago siya mamatay na hanapin ko kayo dahil alam niya sa puso niya na sa inyo ko matatagpuan ang kaligayahang hindi niya naibigay. Kaya nagsikap ako. Itinaguyod ko ang kumpanyang iniwan niya at hindi nagtagal, lumago ito at inilipat ko na sa apelyido ko, sa apelyido natin."

"Arkisha, ginawa ko ang lahat ng pagsisikap ko para sa inyo, para sayo. Wala namang ibang magmamana ng mga iyon kundi ikaw at ang kapatid mo."

Gusto kong mainsulto sa huli niyang sinabi.

"Iniisip nyo ba na dahil mayaman na kayo, tatanggapin na namin kayo, ganun ba? Yun ba ang tingin nyo sa amin?"

"Hindi anak. Ang gusto kong sabihin ay mahal na mahal ko kayo at gusto kong humingi ng isa pang pagkakataon para patunayan na karapat dapat akong bumalik sa buhay nyo. Kasabay na nun ang sana'y pagtanggap mo sa mga ibibigay ko sayo."

Pagkasabi niya noon, biglang dumating si Mama. Natural nagulat din siya pagkakita kay Papa. Iniwan ko silang dalawa at hinayaang mag-usap. Nagsimula na din kasing umiyak si Landon.

"Ate, sino po ba siya?" tanong ni Ian ng makapasok ako sa loob. Hindi talaga titigil ang batang ito sa pangungulit.

I took a deep breath at sinagot ang tanong niya.

"Siya si Papa", sagot ko.

Nanlaki ang mata niya.

"Bakit iba siya sa pictures?"

Isang taong mahigit lang si Ian ng iwan kami ni Papa, kaya hindi niya ito kilala. May mga pictures naman kaming ipinakita sa kanya pero tulad nga ng sinabi ko kanina, iba na ang itsura at pananamit ni Papa kaya siguro hindi na din nakilala ni Ian.

"Mayaman na kasi siya", sagot ko.

"Talaga? Ibig sabihin, mayaman na tayo??"

"Hindi ganun yun", sagot ko.

Kinabukasan, kinausap ko si Mama. Nang nagdaang gabi, bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Papa. Aaminin ko na sa kabila ng pagiwan niya sa amin, there's a part of me na nananabik sa kanya.

"Ma, mahal mo pa ba si Papa?"

"Hindi naman nawala yun eh."

"Kahit na sinaktan ka niya?"

"Hindi ba sinaktan ka din naman ni Adam noon? Ano bang ginawa mo?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Kaya mo siyang tanggapin ganun po ba?" tanong ko.

"Ikaw, hindi mo ba kaya o natatakot ka lang?" balik ni Mama sa akin.

"Hindi naman po ako natatakot para sa sarili ko. Natatakot po ako para sa inyo."

Niyakap ako ni Mama.

"Ama mo siya. Hindi naman siguro masama kung bibigyan natin siya ng isa pang pagkakataon diba?"

**

Madalas namang tumawag sa akin si Adam, katulad ngayon kausap ko ulit siya. Kinakamusta kami ng mga bata.

"Hindi pa ako makakabalik dyan", sabi niya.

Nalungkot ako sa balita niya.

"Miss na miss ka na namin", sabi ko.

"I know, mas miss ko kayo", sagot niya. "Look, Arkisha, may malaking problema ang kumpanya. Malaki ang posibilidad na mawala ito sa amin, kaya kinakailangan kong makahanap ng malaking investor and I swear to God, aayusin ko agad ito para makabalik na ako sa inyo."

Investor?

"Babe, are you still there?" tanong niya.

"Yah. Adam.."

I paused.

"Mahal kita", sabi ko.

I know he's smiling.

"I love you more", sagot niya.

**

"Nagpapasalamat ako sayo anak at pinatawad mo ako."

Nagusap na kami ni Papa at sinabi ko na pinapatawad ko na siya. Tama naman si Mama. Everyone deserves a second chance.

"Papa ko pa rin po kayo kahit baliktarin man ang mundo."

"Mahal na mahal kita anak. Mahal na mahal ko kayo ni Ian at ng Mama mo. Lalong lalo na ang mga apo ko", sabi niya at sa katunayan, siya nga ang nagpapatulog kay Madison ngayon eh.

"Mahal na mahal ko din po kayo."

"Ibig bang sabihin nito, tinatanggap mo na din ang kumpanyang ibibigay ko sayo?"


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now