Twenty One

357K 3.2K 330
                                    

TWENTY ONE


36 missed calls. 50 messages.

Okay. Wala talaga siyang balak sirain ang cellphone ko. When I checked my phone pagkagising ko, yan ang nakita ko. This time, kay Adam lahat ng yan.

I just ignored it. Palowbatt na ang cellphone ko at hindi ko iyon ichacharge. Bahala siya. Magsasawa din yun.

Pumasok ako sa school. Normal lang, ignoring the beeps of my phone. Sa halip na paulit-ulit akong tawagan, bakit hindi na lang siya magconcentrate sa office? Leche.

Nakakainis. Bakit kahit saan ako tumingin, si Adam pa din ang naalala ko?

*flashback*

"Paano kung bigla akong namatay tapos ang tanging paraan lang para mabuhay ako ay kailangan mong sumama sa ex mo?" tanong ni Adam.

We were so madly inlove that time. Dinala niya ako sa isang romantic na lugar. Isang lugar kung saan kahit yata sinong babae mapapa-oo sa lalaking nanliligaw sa kanya.

Madaming magagandang bulaklak sa paligid. Medyo mataas din ang lugar. Malamig, lalo na ngayong gabi. May mga ilang couples din na kumakain sa kani-kanilang table. Samantalang kami ni Adam, nakaupo sa isang bench habang yakap yakap niya ako.

"Ano namang klaseng tanong yan?" tiningnan ko siya. Pinisil niya ang ilong ko.

"Basta, sagutin mo. Sasama ka ba sa kanya?"

"No. Of course not!" sagot ko.

"So hahayaan mo akong mamatay?"

"If the only way for you to live is kapag sumama ako sa ex ko, eh di mas mabuti pa mamatay na lang din ako para doon magkasama tayo."

Nakita kong ngumiti siya. He kissed me on my cheeks.

"Ako naman magtatanong. Paano kapag halimbawa naaksidente ako tapos bigla akong nagkaamnesia at nakalimutan kita?" tanong ko kay Adam.

"Eh di gagawin ko ang lahat para maalala mo ako", sagot niya.

"Eh paano kung hindi talaga kita maalala? Kung wala na talaga akong maalala?" sunod kong tanong.

"Kung talagang wala ka ng maalala, eh di gagawa na lang ulit tayo ng new memories together and this time sisiguraduhin kong hinding hindi mo yun makakalimutan", sagot niya.

"Arkisha?"

"Hmmm??"

"Huuy!"

"Aray!"

Sikuhin ba naman ako. Paglingon ko, si Jane pala.

"Kanina pa nakatingin sayo si Sir, ano bang iniisip mo? Lutang ka na naman dyan", sita ni Jane.

"Wala."

Si Adam.

**

"Ang ganda mo", Ate Gem said sarcastically.

"I know and thank you", nakangiti kong sagot.

Napansin kong may inginuso siya sa may sala.

Hindi pa ako makalingon. Nag-iisip kung ano naman kaya ang meron sa sala? Kinakabahan man, unti unti pa din akong tumingin sa sala.

"Kanina pa yan dyan. Siya pa nga nagdala niyan eh, nakalimutan ata na may trabaho ka. Sinadya mo ata talagang magpagabi ng uwi."

Lumapit ako sa sala at kinuha ang mga bulaklak sa mesa. Hindi ko mapigilang mapangiti.

"O ano? Umamin ka, kinikilig ka noh? Aba ako yata ang bigyan ng ganyang kabonggang mga bulaklak, ewan ko lang pag di nahulog ang P ko", sabi ni Ate Gem.

"P?" lito kong tanong.

"Panga."

"Ahh", sagot ko na lang. Kung maka-P naman kasi.

"So kinikilig ka nga?"

"Nakakatawa lang kasi ito ang unang beses na binigyan niya ako ng bulaklak."

"Seriously?!"

I nodded.

"Aba akalain mo, sa yamang yun ni Adam, may pagkakuripot pala dati na hindi ka man lang binibigyan ng bulaklak?!"

"Hindi siya kuripot. I can assure you. Ewan ko nga ba, basta walang flowers nun. Chocolates, meron at iba pa."

"So ipinagtatanggol mo na siya ngayon?"

"No. I'm just stating a fact."

I read the message on the card.

Please talk to me. I miss you. Adam.

Namimiss niya ako?

Ako din naman. I miss him. I love him. I still love him. Inspite of everything, mahal na mahal ko pa din si Adam. Gustuhin ko mang kalimutan siya, hindi ko magawa. Nahihirapan ako.

Sometimes I want to blame myself for loving him this much, pero wala akong magawa. I miss him so much.


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now