Twenty Seven (The Real Chapter Twenty Seven)

357K 2.6K 218
                                    

TWENTY SEVEN


"Parang ikaw lang ang masaya ah?" tanong ni Ate Gem kay Jane ng makauwi kami mula sa mall.

"Kasama namin si Brent", sagot ni Jane.

"Ah oo, sinabi ko nga na nasa mall kayo. Eh bakit malungkot itong isang ito?" tukoy sa akin ni Ate Gem.

Umupo ako sa sofa at hinawakan ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko.

"Ewan ko nga ba dyan. Kanina ko pa napapansin. Pilit yung mga ngiti niya kanina. May problema ka ba Arkisha? Hindi pa din nagtetxt si Adam?" tanong ni Jane.

"Hindi na magtetxt yun", sagot ko.

Tumaas ang kilay niya.

"Bakit naman?"

"Yung daliri mo Jane, ipaputol mo na", utos ko.

"What do you mean?"

"I saw him kanina. May kasamang babae. May bago na naman. NAPAKABABAERO talaga! Hmmmpp!" gigil kong sabi.

"Baka naman kaibigan lang?" tanong ni Jane.

"KAIBIGAN?! SWEET? KAIBIGAN?!"

"Kalma. Take note. Walang relasyon. Walang karapatang magselos", paalala ni Ella.

Malapit ng tumulo ang luha ko.

"Kasi naman eh *sob* kasalanan ko bang maramdman tong lintek na selos na to. Kung ako ang pipili, ayokong magselos, pero wala. Yung selos ko, andito na!" at itinaas ko ang kamay ko lagpas sa ulo ko.

Tinabihan ako ni ate Gem.

"Shhh.. Tahan na. Alam mo Arkisha, hindi mo ba napapansin, paulit ulit ka lang. Hindi ka ba napapagod?"

Tiningnan ko si Ate Gem.

"Stop being a masochist. Learn to love yourself", dugtong pa niya.

**

"Don't tell me nandito ka na naman para sunduin ako?"

Si Brent ang bumungad sa akin pagkalabas na pagkalabas ko ng University.

"You know what, yayaman ka sa panghuhula", sagot niya.

"Why are you doing this?"

"Hindi ba halata? I like you Arkisha."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi? Nasayo na ang lahat."

Napatigil ako sa sinabi niya.

"Hindi mo pa ako kilala. Madami ka pang hindi alam tungkol sa akin."

Ngumiti siya.

"Kaya nga mas gusto kitang makilala. Let's go?"

Naguguluhan pero sumakay na din ako. Inihatid niya ako sa coffee shop.

"Susunduin ulit kita paglabas mo ha", sabi niya.

"Brent, you don't have to.."

Tumawa siya.

"Nakalimutan atang sabihin sa akin ni Adam na mahirap kang ligawan."

"Anong sinabi mo? Anong kinalaman ni Adam dito?"

"Wala naman. Sinabi ko kasi sa kanya na liligawan kita."

"A-anong s-sinabi niya?"

"Bahala daw ako. And besides, kahit naman anong sabihin niya, I will still do everything to make you mine. Wala naman kayong relasyon diba? Meron ba?"

Gusto kong manghina sa sinabi ni Brent. Ipinamimigay na ba ako ni Adam? Ayaw na ba niya sa akin? Sumasakit na naman ang puso ko.

Umiling ako.

Pinipigilan kong tumulo ang luha ko. Ayokong ipakita kay Brent na nasasaktan ako sa sinabi niya.


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon