Fifty One

237K 2K 470
                                    

Paris POV

"We need to talk", sabi ko kay Venice, isang umaga. Nilapitan ko siya habang busy sa laptop niya.

Nag-angat siya ng tingin at inayos ang eyeglasses niya. Ganyan yan kapag kaharap ang laptop niya, nakaeyeglasses pa.

"Himala! Ano namang pag-uusapan natin? Paris, magkamukha tayo. Hindi ako si Scarlett, baka nakakalimutan mo", sabi niya.

Hindi ko siya papatulan ngayon.

"I need your help", sabi ko.

"YOU'RE ASKING FOR MY HELP? Are you sick?"

"Please Venice, kahit ngayon lang."

"Please talaga? Ano ba yan? Siguraduhin mong hindi masasayang ang oras ko cause as you can see busy ako. Yan kasing si Adam, hindi pa makausap, kapag nalaman ni Daddy na hindi yan pumapasok sa office, he'll be dead."

I know. Wala na naman si Daddy sa bansa, and Adam Jacob is miserable right now.

"Alam mo ba kung bakit nagkakaganyan si Adam?" tanong ko.

"Ayaw niyang sabihin sa akin. Siguro pag lumamig ang ulo niya, mag-oopen din yan. I think its about Arkisha."

"Kailangan mo akong tulungang malaman ang dahilan ng break up nila."

"So break na nga sila? At alam mo?" tanong niya sa akin.

"Oo, sinabi sa akin ni Scarlett. And I'm wondering how did she know?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Magtataka ka pa ba? Diba magkaibigan kayo, bakit di mo alam kung paano niya nalaman?"

"I know she wants Adam back, pero parang may mali eh", sabi ko.

"Paris, matagal ng may mali. Ang pagbawi ni Scarlett ang mali. Idagdag pa ang pagkampi mo sa kanya."

"I know", sagot ko.

Oo, ngayon alam ko na. Alam ko na ang totoo.

"Seriously? Alam mo na ngayon? Wow! Buti naman! Thank God!"

Sinabi ko kay Venice ang nalaman ko these past few days.

"I knew it!" galit na galit niyang sabi. "Kailangan kong puntahan si Arkisha ngayon. I need to know what is happening. Kung ayaw magsalita ni Adam, si Arkisha ang tatanungin ko", sabi pa niya.

Umalis na siya kaagad. Pagalis niya, eksakto namang dumating si Scarlett sa bahay namin at dala dala niya yung batang nakita ko sa condo niya. This time sila lang dalawa.

"Scarlett!", bati ko. "Come in. Bakit mo kasama ang batang yan?"

"Please Paris, I need your help."

"S-sure!"

"Sayo muna tong batang to, kahit ngayong araw lang. May pupuntahan lang ako", sabi niya.

"Ha? Eh asan ba ang mommy ng batang to?"

"Ah eh wala eh. Umalis. Please sayo muna siya, at wag na wag mo siyang ibibigay kahit kanino. Aalis na ako", pagmamadali niya.

Iniwan na niya sa akin ang bata. Tinatanaw ko pa siya sa gate, tinawag ko kaagad ang katulong namin.

"Bakit po Ma'am Paris?"

"Yaya, alagaan mo itong batang ito. Wag na wag mong palalabasin ng bahay, at wag na wag nyong papasukin si Scarlett dito. Kahit anong mangyari. Naiintindihan mo? Wag mo siyang ibibigay sa kanya. Aalis na ako", bilin ko sa katulong.

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now