Twenty Four

362K 3K 237
                                    

Happy Half Million Reads! Thank you sa lahat ng readers and finally, EWB is now on the first page of  What's Hot! Thank you! Thank you!

I dedicate this to @groovylover10 Love your comment on the previous chapter :)

Hi kay @othavz! Classmate siya dati ng pinsan ko. Small world. 

--------------------------------------------------------------------------------------

Twenty Four


Lumulutang yata ako habang naglalakad. I can't explain how happy I am. Dalawang bagay na lang ang kulang sa amin ni Adam. Commitment and of course the L word, Love.

Okay naman kami sa ganito, pero minsan naiisip ko din na iba pa rin yung kapag may karapatan kami sa isa't isa kaso kapag nangyari yun, madami ng consequences. Kayanin kaya namin yun?

Eh teka nga, ano ba tong mga iniisip ko, eh wala naman kaming pinag-uusapang commitment. Nadadala lang siguro ako sa saya na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi naman sa nakikialam ako ha, pero akala ko ba iiwasan mo na si Adam?" tanong ni Ate Gem.

"Si Arkisha, iiwasan si Adam? Eh para kayang magnet ang dalawang yan", singit ni Ella.

"Akala ko ba nahihirapan ka na?" tanong niya ulit.

"Oo. Nahihirapan ako. Nasasaktan. Pero mas mahirap pala kapag wala siya. Sabi niya para daw may kulang kapag wala ako, at ganun din ako sa kanya", sagot ko.

"Good luck."

"Saan?" tanong ko.

"Sa pagiging masokista mo."

"Kaya ko naman ang sarili ko."

"I heard that before. Bahala ka, basta lagi mong tatandaan, andito lang ako, kami kapag pinaiyak ka na naman ni Adam, ok?" sabi niya.

Ngumiti ako. "Sabi niya hindi na daw niya ako sasaktan."

"Lahat ng lalaki, yan ang sinasabi."

"So sinabi din sayo ni Harris yun?"

"Ah.. Eh.. Oo."

Tumawa ako. "I see."

**

Nung sinabi ni Adam kahapon na gusto niya akong makasama, akala ko magdedate kami. Asa!

Halos mabingi ako ngayon sa lakas ng tugtog sa buong bahay. Ang daming tao at wala akong ibang kilala kundi sina Adam at yung kaibigan niya na may birthday.

Sa laki ng bahay na to, nagkikita kita pa kaya ang mga nakatira dito? Iginagala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng bahay at wala akong maipintas. Kasabay nito ang paghahanap ng mga mata ko kay Adam, na nagpalam lang na kukuha ng drinks namin.

Is it just me or talagang kanina pa nakatingin sa akin yung matangkad na lalaki sa dancefloor. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ipinagpatuloy ang paghahanap kay Adam sa pamamagitan ng mga mata ko.

"Have we met?"

Nagulat ako nang bigla na lang nasa harapan ko na ang lalaking nasa dancefloor kanina.

"Ano yon?" pasigaw kong tanong. Sinusubukan kong labanan ang lakas ng music.

"Ang sabi ko nagkita na ba tayo? Mukha ka kasing pamilyar eh", sabi niya at halos ilapit na niya ang mukha niya sa tenga ko para marinig ko.

Narinig ko naman talaga ang una niyang sinabi. Gusto ko lang makasigurado. At talagang tinagalog pa niya. Anong akala nito saken, tanga?

"I don't think so", sagot ko. Akala mo ikaw lang ang marunong mag-ingles ha?!

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now