Six

569K 3.8K 190
                                    

SIX

"Susi."

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya at iniabot ko ang susi. Siya na ang nagbukas ng pinto.

"Kumain ka na ba?" tanong niya.

"Busog pa ako. Ikaw?"

"Oo," pumasok siya sa kwarto ko. Apat lang kami sa bahay na 'to. Umuwi yung tatlo kong kasama. Sanay na naman ako na umuuwi sila at ako lang mag-isa ang natitira.

Sinundan ko siya sa kwarto ko.

"Pwede ka ng umuwi," sabi ko sa kanya at nakita ko siyang humiga sa kama ko. Nakaunan siya sa dalawa niyang braso.

"Bakit mo ba ako pinipilit umuwi? Wala kang kasama dito. Baka kung anong mangyari sayo. Dito na lang ako matutulog. Sasamahan kita."

"Kaya ko ang sarili ko noh! Ako pa!"

"Babae ka, anong magagawa mo kapag may masamang tao na pumasok dito at may gawing masama sayo?!"

Hindi ako makapaniwalang nagtatalo kami dahil lang dito.

Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako sa harap niya.

"Okay. Kung gusto mong matulog dito, bahala ka. Pero lumabas ka muna, magbibihis ako."

Sa halip na lumabas, kumuha pa siya ng unan at niyakap niya ito.

"Magbibihis ka pala eh, bakit ako lalabas?" at ngumisi siya sakin.

Gggggrrrr!!

Nang-aasar!!

Pinamewangan ko siya.

"Lalabas ka ba ng kwartong 'to o lalabas ka hanggang gate at hindi kita papatulugin dito?"

Tinitigan niya ako. Ang gwapo pa rin niya kahit seryoso.

"Ano? Magtititigan na lang ba tayo?"

"Sa akin okay lang."

"Aaaaahhh!!"

Napatili ako. Hinila niya kasi ako pahiga sa kama at niyakap.

"Adam ano ba?! Bitawan mo nga ako. Magbibihis ako!"

"Magbibihis lang pala eh, I'll help you," at unti-unti niyang tinatanggal ang butones ng damit ko.

"Adam!"

I felt his hands on my tummy. Pinigilan ko ito at hinawakan ang kamay niya.

He kissed my neck, papunta sa balikat ko.

"A-adam... please?"

Binitawan na niya ako. Tumayo ako at pumasok na sa banyo. Nag-shower ako at nagbihis ng pantulog.

Pagbalik ko sa kwarto, si Adam, nakapikit na ang mata. Tulog na ba 'to?

Holy shiz! He's only wearing his boxers, napapalunok naman ako. Mukhang tulog na nga ata. Pagod na rin ako mula sa school at trabaho kaya naman matutulog na rin ako.

Tinabihan ko na siya. Hindi kalakihan ang kama ko pero kasya naman siguro kaming dalawa.

Paghiga ko, ang tigas!

Ang tigas ng braso niya, at yan na nga, yumakap na nga sa akin. Ang bango!

Humarap ako kay Adam at tinitigan ko siya. Nakayakap pa rin siya sakin.

Hindi ko talaga mapigilang humanga sa kanya. Ang tangos ng ilong, ang ganda ng mata at ang labi, naku! Ang sarap halikan.

Halikan ko kaya?

Magnanakaw ako ng halik?

Wag. Masama yun.

Pero isa lang naman eh.

Isa lang talaga.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Eto na...malapit na.

Finally, I felt his lips on mine. Smack lang naman ang gagawin ko pero teka, bigla na lang may humawak sa ulo ko. Hindi ko na maalis yung labi ko sa labi niya.

He opened his mouth. He wants more?

Panakaw-nakaw pa kasi ng halik eh!

Eh malay ko ba, akala ko tulog na 'to eh.

Yung kamay niya, wandering all over my body na naman ang peg. Nagmulat siya ng mata. Ang ganda talaga ng mata niya, kulay brown. Kung magkakaanak kami, gusto ko sa kanya magmana yung mata.

He pulled up my dress.

"Adam?"

"Pinagbigyan na kitang makapagbihis kanina, ako naman," nagpuppy eyes pa. Nakakaakit lalo ang mata niya. Mahihindian ko ba siya?!

Ngumiti ako at hinalikan ko siya.

The only thing that we can hear is our moans. But we both stopped when we heard something. Mukhang nagsara yung front door.

"Ano yon?" tanong niya. Napabangon ako at nagbihis.

"Ewan ko, titingnan ko. Sandali."

Nagbihis din siya. "Ako na. Baka may nakapasok na ditong masamang tao."

Palabas na siya ng kwarto nang pigilan ko siya.

"Hepppp! Ako na. Eh paano kapag yung mga ka-boardmate ko pala yun? Hindi ka nila pwedeng makita. Bawal ang lalaki dito."

"Arkisha, ang tigas ng ulo mo. Eh paano kapag ibang tao yun? Ako na."

"Ako na, ok? Eh di back-up-an mo na lang ako."

...to be continued.

*tomorrow*

you can follow me on twitter for more updates, www.twitter.com/youramnesiagirl

thank you :)


EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon