Eight

529K 4.3K 367
                                    


EIGHT

Okay. Arkisha. Kalma.

Umupo ako sa silya at sinabayang mag-breakfast si Ate Gem.

"Umuwi rin siya kagabi," sagot ko.

"Ah. Akala ko dito siya natulog eh."

"Alam naman natin na hindi pwedeng magpatulog dito ng lalaki diba?"

"Sinong may sabi?"

Huh? Pwede ba?

"Akala ko..."

"Hindi naman malalaman ni Tita Patz yun eh," tukoy niya sa landlady namin.

Sabagay, wala naman dito si Tita Patz. Hindi nga niya malalaman.

"Well, kayo na ba ulit ni Adam?"

"Hindi," tipid kong sagot.

"Sinungaling ka! Ako pa ba naman ang paglilihiman mo?"

Ay, hindi naniwala???

"Ate Gem, hindi talaga," pagdidiin ko.

"Kung hindi kayo nagkabalikan, eh bakit magkasama kayo kagabi?"

"Bakit ,bawal ba?"

Tinitigan niya ako.

"Hmmm... I smell something fishy. Ito ba yung tinatawag na Friends With Benefits?"

"EX with Benefits," pagtatama ko.

"I knew it! Bakit ka pumayag? Nababaliw ka na ba?"

"Well, maybe nababaliw na nga ako. I don't know, we just found ourselves sa ganitong set-up eh."

"Nakalimutan mo na bang sinaktan ka niya?!"

"Hindi ko makakalimutan yon," naging seryoso ang boses ko. "But I guess everyone needs to move on."

"Hindi magwo-work yan. Trust me," sabi niya.

"Why? Naranasan mo na ba ang ganito?"

"Nope. At wala akong balak na pumasok sa ganyan. Hindi ako masokista. Wala akong balak saktan ang sarili ko. Hindi magtatagal, one of you would want something more."

Nakikinig lang ako sa kanya. Alam kong tama siya. At sa sitwasyon namin ni Adam, I know I'd the ONE who would want something MORE.

Nakatingin lang siya sa akin, hindi kasi ako nagsasalita.

"Ayy! Bahala ka nga. Basta kung masaya ka dyan, eh di go! Just don't expect anything fancy."

I know. Alam ko na naman ang gagawin ko. I'll just have to stay cool and everything will be okay.

**

"We won't take no for an answer. Sumama ka samin. Wala ka namang pasok bukas diba?"

"Oo nga, Arkisha. Its time to unwind!"

Kaka-out ko lang sa trabaho at nakuha pang magyaya ng mga kaibigan ko na mag-bar. We're supposed to be taking some rest but no, mas gusto nilang dagdagan ang pagod namin.

"Halika na," at hinila na ako nina Jane at Ella. Nagpalit muna kami ng damit. And yes, girl scout ako, palaging handa. Palagi kasi akong may baon na damit.

Nakita kong papalapit si Ella sa akin dala ang kanyang make-up kit.

"Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Ano pa? Eh di lalagyan ka ng make-up. Pikit mo mata mo."

Okay. Yes. I do wear make-ups pero light lang. Sa trabaho at school. A blush on, powder and lip gloss will do, pero kung si Ella ang maglalagay ng make-up saken, ibang usapan na yan! Makapal siyang maglagay ng make-up at ayoko ng ganon.

"Ella, ako na. Kaya ko naman eh," tutol ko.

"Yun na nga eh, kapag ikaw nagmemake-up sa sarili mo, parang wala. Sige na, let me do it. Ang ganda-ganda mo, mas lalo kitang papagandahin."

"Naku! Gagawin mo lang coloring book ang mukha ko!"

Hinawakan niya ang mukha ko at inihanda ang eye liner.

"Hindi. Promise. Gusto lang talaga kitang make-upan. Pikit na."

Sige na nga. Ngayon lang naman eh. Tsaka makulit din 'tong isang 'to. Nagsimula na siyang lagyan ng eyeliner ang talukap ng mata ko.

WHOA! Nang matapos niya akong make-upan, nagulat ako nang makita ko ang sarili ko sa salamin. Ella was right. Kaya nga niya akong mas pagandahin. Pero mas gusto ko pa rin yung simple lang. Parang tumapang ang mukha ko, pero okay lang.

I was wearing a dark blue dress that reaches above my knee, hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Pagpasok namin sa bar, nangingibabaw ang malakas na tugtog. Sinundan lang namin si Jane na nauunang maglakad sa amin.

We ordered drinks. Biglang dumating ang boyfriend ni Ella. Akala ko kami lang tatlo? Pero sabagay, the more the merrier, pero hindi magiging merry kapag may dumating na ang boylet ni Jane. Paano ako diba?

"Arkisha, sayaw tayo!" halos pasigaw na sabi ni Jane. Nakakailang shot na rin ako kaya medyo tinatamaan na ako. Sumama ako sa kanya sa gitna ng dance floor. Ayoko namang maiwan sa table kasama ang mga lovers na 'to.

We danced to the beat. Mas ginaganahan akong magsayaw kasi magaganda yung songs. Kung saan-saan ako napapatingin nang...

Hindi! Baka naman hindi siya yon. Baka nahihilo lang ako. Tingin ulit.

Holy Sh*t!

Si Adam nga yun!

Ang lintik na yon, may kaakbay na babae sa isang table. Babaero talaga!

Bigla na lang may isang lalaki na nasa harapan ko at nagsimulang makipagsayaw sa akin.

Hmmmm... He's cute.

Sinabayan ko siya sa pagsayaw. Kung inaakala ng Adam na yan na siya lang ang may kayang maglaro, pwes, nagkakamali siya! Kayang kaya ko ring gawin ang ginagawa niya!

Patuloy lang kami sa pagsasayaw, hanggang sa nakakarinig na kami ng hiyawan. Mukhang nag-eenjoy na rin ang mga tao. Mas dumadami na ang tao sa dance floor nang biglang...

Naramdaman kong hinahawakan na niya ang bewang ko at naiilang na ako. Hindi na nakakatuwa. Kinabahan tuloy ako.

Bigla na lang may humawak sa kamay ko at hinila ako.

"Pare, wag ka namang KJ. We're having good time here," sabi ng lalaking kasayaw ko sa lalaking humawak sa kamay ko.

Sinubukan akong ilayo ang lalaking may hawak sa kamay ko pero pinigilan siya ng lalaking kasayaw ko. Bigla na lang niya itong sinuntok.

"ADAM!" napasigaw ako.

Pero hindi siya nagpapigil. Sinusuntok pa rin niya yung lalaki hanggang may mga bouncers na dumating.

"Don't you dare touch her! Asshole!" sigaw ni Adam sa lalaki.

Hinawakan ako ni Adam at hinila palabas ng bar.

"Ano? Masaya ba na binabastos ka?" galit ang boses niya.

"We're just dancing, for heaven's sake!"

"Dancing? Hindi mo ba napapansin? He's flirting with you! Look at you! Your make-up and your dress! Ang iksi! Isuot mo nga 'to!" at hinubad niya ang jacket niya at iniaabot iyon sa akin.

At dahil galit na galit nga si Adam, sinunod ko siya at isinuot ko ang jacket niya. Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat ng kotse niya. Nakatayo lang ako.

"Gusto mo bang buhatin pa kita papasok sa loob ng kotse?"

Kunot ang noo kong sumakay sa loob. Isinara niya ang pinto at sumakay na rin siya.

Bakit ba siya ang galit na galit eh siya nga ang may kaflirt na babae?! Naku Adam! Malapit-lapit ka na saken. Sasapakin talaga kita!

Habang nagda-drive siya, napansin kong hindi naman ito ang daan pauwi. Papunta 'to sa condo niya eh.

"Bakit mo ako dadalhin sa condo mo?" tanong ko.

"You need to be punished," sagot niya.

WHAT????!!



EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now