Forty Five

241K 2K 441
                                    

Venice's POV

I was eating my breakfast nang bigla na lang akong nilapitan ng katulong namin.

"Ma'am Venice, may naghahanap po kay Sir Adam", sabi ng maid.

"Sino?" tanong ko.

"Scarlett daw po ang pangalan niya."

Agang aga nangangapitbahay na kaagad ang babaeng yon?

Nilapitan ko siya pagkatapos kong kumain. Oo, talagang tinapos ko muna ang breakfast ko. PaVIP siya!

"Where is Adam?"

Ito pala ang Scarlett. Hmmm.. She's pretty. Maganda nga ang kutis niya. Matangkad pero mukhang suplada.

"He's not here. Umalis siya. Anong kailangan mo sa kanya?"

"Hindi mo na kailangang malaman", sagot niya.

Aba't! Bastos to ah!

"Alam mo maganda ka.." sabi ko. Ngumiti siya sa akin. "..maganda ka sana kung maganda din ang ugali mo! Nagpunta ng ibang bansa si Adam, nasa Macau siya, mga tatlong araw na din", dagdag ko.

Tumaas pa nga ang kilay niya eh pero pagkasabi ko kung nasaan si Adam, ibinaba niya rin yon.

"Okay. Si Paris? Asan siya?" tanong niya ulit.

Mukha ba akong tanungan ng mga nawawala??!

"How will I know? Eh kayo ang palaging magkasama? Buntot ka niya diba? Alam mo, since we were kids, may pagka-mean at uto uto na talaga yang si Paris pero mula ng makilala ka niya sa Europe mas lumala eh. Ano bang ipinakain mo sa kapatid kong yun? Lakas mo kasing makahawa eh!"

"Excuse me, kung naiinggit ka kasi mas close sa akin ang twin sister mo, hindi ko na problema yon!"

Umarte akong nagulat.

"Ako?? Maiinggit?? Oh cmon! Siguro nung past life mo clown ka noh? Ang galing mong magpatawa eh! Hahahaha!"

Hindi siya nagsasalita, pero ramdam ko inis na inis na siya.

"May itatanong ka pa ba? Yung hardinero namin itatanong mo din ba kung nasaan? Or itatanong mo kung saan mahahanap ang True Love? Unfortunately, you won't find it", sabi ko.

"Now I wanna ask myself kung bakita ba ako nagpunta dito? I just wasted my time!" naiirita niyang sabi at agad siyang umalis.

Go ahead Scarlett! Sundan mo si Adam kung gusto mo! Yun ay kung mahahanap mo siya sa Macau! Hahaha!

**

Paris' POV

*ding dong*

Andito ako ngayon sa condo ni Scarlett. Ewan ko ba sa kanya, may bahay naman sila pero nitong nakaraang linggo lumipat na siya dito.

"Where have you been?" bungad niya sa akin pagkabukas niya ng pinto. Pumasok ako sa loob. Dirediretso kami sa kwarto niya at nakita kong nag-iimpake siya ng gamit.

"Saan ang lakad mo? Out of town?" tanong ko.

"I'm going to Macau", sagot niya.

"Macau? Ano namang gagawin mo sa Macau? Akala ka nakafocus ka kay Adam?"

Patuloy lang siya sa pag-eempake.

"Exactly. Kaya nga ako pupunta sa Macau kasi susundan ko siya", sagot niya sa akin ng nakangiti.

"Macau??! Eh wala naman sa Macau si Adam!"

Napatigil siya sa ginagawa niya at humarap sa akin.

"What do you mean? Ang sabi ni Venice nasa Macau siya."

Tinawanan ko siya. "Nagpauto ka sa kapatid ko?? Hahahaha!" hawak ko ang tiyan ko sa kakatawa.

"Stop laughing! Kung wala siya sa Macau, asan siya?" naiirita niyang tanong.

"I just went at the office, three days ng nasa Singapore si Adam. Sa isang araw ang dating niya. Sa umaga. Kung susundan mo siya, you're just wasting your time."

"Aarrrgghh!" Napaupo siya sa kama. "Kailangang magwork ang plano ko!"

Napatingin ako sa labas ng kwarto ng may marinig akong umiiyak na batang lalaki. Papasok siya sa kwarto ng pigilan siya ng isang babae. She must be in her early thirties.

"Scarlett, who's that boy?" tanong ko.

"D-don't mind him. Anak siya ng katulong ko", sagot niya sa akin. Halatang natataranta. "Yaya, patahanin mo nga ang batang yan!" baling niya sa katulong.

"Are you sure anak siya ng katulong mo? Eh bakit ang ganda ng kutis?" tukoy ko sa bata na sa tingin ko ay 2 years old.

"Ah.. Eh.. Kasi foreigner ang ama niyan. Excuse me, I just have to make a call."

Hinayaan ko siya, nakatingin pa rin ako sa bata. Ako na ang nagpatahan sa kanya.

"Hello.. Alam mo na naman ang plano ko diba?.. WELL YOU MUST!.. Good. Mabuti yung nagkakaintindihan tayo", naririnig kong sabi ni Scarlett sa kausap niya.

Who could it be?


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now