Twelve

433K 3.4K 368
                                    

TWELVE

Gab asked me kung pwede raw ba niya akong ihatid pauwi after kong magtrabaho, but I refused. Baka ma-misinterpret niya kung papayag ulit ako.

Ewan ko nga ba. Hindi ko alam kung ready na ba ulit akong magpaligaw. Isa pa, alam ko naman kung sino ang isinisigaw ng puso ko.

Hay, ang hirap talagang maging maganda!

Magkasabay na lang kami ni Jane na umuwi. Day off naman kasi ni Ella, siguro nakipagdate pa yun pagkatapos ng klase namin.

Pagdating namin sa boarding house, nakaparada ang sasakyan ni Adam.

Anong ginagawa niya dito?

Hindi ba siya nag-overtime sa trabaho niya? Pero paano nga naman siya mago-overtime kung kanina nakita ko siya, meaning hindi siya pumasok sa office? Ganun ba?

Pagpasok ko sa loob, nakita ko siyang nakaupo sa sofa.

"O, andyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay ni Adam," sabi ni Ate Gem. Tumayo ito at nagpunta sa kusina.

Tiningnan ko si Adam. Bakit mukha pa rin siyang malungkot?

"Adam, napasugod ka?" tanong ko.

"May gusto lang sana akong sabihin sayo. Pwede bang doon tayo sa labas?"

Bakit ako kinakabahan?

Nagpunta kami sa may terrace.

"T-tungkol saan?" tanong ko.

"I'm leaving."

Sandali nga. Akala ko magtatrabaho na siya sa company nila, bakit siya aalis?

"What? Where? When? Why?"

Okay. Lahat na yata ng WH questions nasabi ko na at gusto kong malaman ang lahat ng sagot sa mga tanong ko.

"I'm leaving this Wednesday. Pupunta akong Australia. Doon ako pinagte-training ni Daddy. Nagpunta ako dito para makapagpaalam sayo."

Wednesday. Sa isang araw na pala ang alis niya.

Arkisha, be strong. Wag kang iiyak.

"Gaano ka katagal mawawala?"

"Hindi ko pa alam. A week. A month. A year. I don't know. Depende."

"Ahmm...so..."

Sh*t! Ano bang dapat kong sabihin? Naiiyak na talaga ako. Aalis siya. Mamimiss ko siya ng sobra!

"Ahmm... Goodluck sa training mo. Mag-iingat ka—."

Bigla na lang akong hinila ni Adam papalapit sa kanya at niyakap niya ako. Mahigpit. Sa sobrang higpit hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa ayaw niyang umalis o baka hindi na siya babalik. Umaasa ako na sana yung una ang dahilan.

Gumanti ako ng yakap sa kanya.

"Mamimiss kita Arkisha," bulong niya.

Hindi ko na napigilan. OA na kung OA, pero tumulo na talaga ang mga luha ko. Alam ko nararamdaman na niya rin ang hikbi ko.

"I will miss you too," sagot ko.

Inilayo niya ako sa katawan niya at tiningnan ako. Nakahawak siya sa dalawa kong balikat.

"Bakit ka umiiyak? Stop crying," at pinunasan niya ang luha ko.

"Eh kasi aalis ka. Mamimiss nga kasi kita."

"Ako o ang katawan ko?" nang-aasar niyang tanong.

Pinalo ko ng kamay ko ang balikat niya. Hinuli niya ang kamay ko.

"Mamimiss mo ba talaga ako? Parang hindi naman. Parang may iba ng nagpapasaya sayo?" may himig na pagtatampong tanong niya.

Pinagsasasabi nito?

"Hmmmm. Nagseselos ka ba?"

Tinitigan niya ako. Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin at pagkatapos humagalpak siya ng tawa.

"Ano naman kayang nakakatawa?" mataray kong tanong.

"Ako? Magseselos? Hahahaha! Gusto mo na naman bang maparusahan? Come," hinila niya ako papunta sa kotse niya.

"Adam, saan naman tayo pupunta?"

"I'll prove to you na hindi ako nagseselos."

"Huh?!"

Sumakay na kami sa kotse.

"At tsaka mamimiss mo ako diba?" sabay kumindat siya sa akin.

Ang gwapo lalo!



EX with Benefits (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon