Sixty

246K 3.1K 712
                                    

Arkisha's POV

Nung sinabi ko kay Adam na ayokong makita ang pagmumukha niya, kabaliktaran yon ng totoo kong nararamdaman. Dahil ngayon, gustong gusto ko siyang makita at hindi ko maintindihan kung bakit.

Sumilip ako sa sala at nakita ko na natutulog na si Adam. Dahan dahan ko siyang nilapitan. Ayoko kasing makalikha ng ingay. Umupo ako para magkapantay na ang mga mukha namin.

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Gustong gusto kong kurutin ang pisngi niya kaso sigurado magigising siya. Pero isa lang naman eh? Pwede kaya?

"Hoy Ate, anong ginagawa mo dyan?"

Ang makulit kong kapatid.

"Eehh ikaw? Bakit gising ka pa? Alam mo ba kung anong oras na?" sabi ko.

"Naiihi ako eh", sagot niya.

Bakit naman ngayon pa sumigla ang pantog ng batang to, nahuli pa tuloy ako.

Pagkalabas niya sa banyo, nilapitan pa niya ako.

"Bakit ka nandyan Ate? Anong ginagawa mo kay Kuya Adam?" may himig na pambibintang niyang tanong.

Tumayo ako at bumulong.

"Pwede ba, hinaan mo nga yang boses mo. Kapag ito nagising lagot ka sa akin. Wala akong ginagawa sa kanya noh! Matulog ka na nga!" utos ko sa kanya.

Papasok na siya sa kwarto niya ng may naalala ako.

"Ian, huwag na huwag mong sasabihin kay Adam ang nakita mo ngayong gabi ha!"

Hindi siya nagsasalita. Aba't nagbabalak nga?!

"Sumagot ka", sabi ko.

Tumango naman siya at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.

**

Kinaumagahan, nagising akong ang ingay ingay sa kusina. Nagpunta ako para malaman ang ingay na yon. Sina Ian at Adam kumakanta habang nagluluto.

Teka, nagluluto??

Kelan pa siya natutong magluto??

"Maawa naman kayo sa mga kapitbahay. Kanta pa kayo ng kanta, wala naman sa tono", singhal ko.

Hindi pinansin ang pagsaway ko at ipinagpatuloy ang pagkanta.

"Itanong mo sa akin, kung sinong aking mahal", kanta ni Adam.

"SINO??" sigaw naman ni Ian.

Baliw na tong mga to. Nahahawa ang kapatid ko eh.

"Itanong mo sa akin, sagot ko'y di magtatagal", patuloy ni Adam.

"SINO NGA??" tanong ulit ni Ian.

Nilapitan ako ni Adam at hinawakan ang baba ko.

"Ikaw lang ang aking mahal. Ang pag-ibig mo'y aking kailangan. Pag-ibig na walang hangganan. Ang aking tunay na nararamdaman", kanta ni Adam.

"Uyy si Ate, namumula", dinagdagan pa ng pangaasar ni Ian.

"Tigilan nyo nga akong dalawa. Ano ba yang niluluto ninyo?" pag-iiba ko ng topic at lumapit ako sa niluluto nila. Mukhang masarap, ang bango eh. Nakakapanibago nga. Dati ayoko ng amoy ng mga pagkain.

Nilapitan naman ni Adam ang niluluto niya kaya ang nangyari nasa likod ako ni Adam.

Hindi ko na tuloy alam kung alin ang gusto kong amuyin. Kung ang niluluto o ang nagluluto. Hindi ko namamalayan, unti unti ko na palang nailalapit ang mukha ko sa likod ni Adam. Ang bango kasi!

EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now