Seven

543K 4.3K 208
                                    

SEVEN

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan ang paglalakad ko palabas ng kwarto. Nakasilip si Adam sa pinto.

May biglang lumabas sa kabilang kwarto.

"Ate Gem?!"

Kinabahan ako sa pag-aakalang masamang tao ang nakapasok sa bahay, si Ate Gem lang pala, kasama ko dito sa bahay. Nakahinga ako ng maluwag.

"O? Bakit parang takot na takot ka?" tanong niya.

"Ah...eh.. kasi akala ko may masamang tao na nakapasok dito sa bahay. Akala ko naman kasi umuwi ka sa inyo?"

"Hindi natuloy. Badtrip yang si Harris, inaway ako, ayaw akong samahan. Tinamad na tuloy akong umuwi!" tukoy niya sa boyfriend niya. "Sige, matutulog na ako. Goodnight," at pumasok na siya sa kwarto niya.

Bumalik naman ako sa kwarto ko. Si Adam, feel na feel ang paghiga sa kama. Parang hindi man lang kinabahan sa pangyayari.

"Umuwi ka na." Hindi siya natitinag sa pagkakahiga. Umupo ako sa kama. "Kung inaalala mo ang safety ko, kita mo naman may kasama na ako sa bahay."

Umupo siya sa kama at inilapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ang baba ko.

"Gusto mo ba talaga akong umuwi? Di pa naman tayo tapos diba?" at mas inilapit pa niya ang mukha niya.

Mas nate-tempt ako. Paano ko naman siya papauwiin ng tuluyan kapag ganitong inaakit niya ako?

Naman eh!

He kissed me slowly.

Babae lang ako, marupok. Kaya naman hindi ko na namalayan na gumaganti na rin pala ako sa mga halik niya. Napapakapit ako sa batok niya at nasa likod ko na ang kamay niya. He's showing me with kisses on my neck.

"Adam..." bulong ko sa tenga niya.

"Do you want me to stop?" tanong niya habang patuloy pa rin siya paghalik sa akin.

Ang hirap naman ng ganito! Paano ko ba siya papatigilin kung ang sinasabi ng katawan ko ay ipagpatuloy niya ang ginagawa niya?

"I... I don't know," nasagot ko na lang.

Tumigil siya sa paghalik at tinitigan ako sa mata.

Hay! Nakita ko na naman ang magaganda niyang mata.

"You are beautiful, Arkisha."

Alam nyo yung feeling na alam mo namang maganda ka pero kapag yung taong mahal na mahal mo ang nagsabi, iba ang dating?

Feeling ko sobrang haba ng buhok ko.

"Why can't I resist you?" tanong ni Adam.

Ako rin naman. I can't resist him. Infairness, the feeling is mutual!

But this time kailangan niya munang umuwi.

"Pero Adam, si Ate Gemma kasi baka malaman niya na dito ka matutulog eh," nag-aalangan kong sabi.

Nginitian niya ako.

"Okay. I understand," sagot niya at tumayo na siya. Inayos niya ang damit niya. Papalabas na siya ng kwarto nang lumapit ulit siya sa akin. Hinapit ang bewang ko.

Eto na naman!

"You know what, bakit hindi ka na lang sa condo ko tumira?" tanong niya.

WHATT???!

Pinanlakihan ko talaga siya ng mata.

Bigla siyang tumawa ng mahina.

"Nagbibiro lang ako. Naniwala ka naman kaagad."

Tumatawa pa rin siya. Ah! Nang-aasar ka ha!

"I know right? Paano na ang mga babae mo kapag sa condo mo ako titira diba? Anong akala mo mapapaniwala mo ako?!" bawi ko sa kanya. "Sige na. Umuwi ka na!" pagtataboy ko sa kanya. Kung minsan, nakakainis talaga 'tong lalaking to.

Ang lakas mang-asar!

Hinawakan niya ang mukha ko at mukhang maggu-goodbye kiss pa!

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at unti-unti niya akong hinalikan sa...

Sa...

Sa noo!

Kaloka! Parang matanda lang! Halikan ba naman ako sa noo?! Natulala ako dun. Nang makabawi ako sa pagkatulala ay lumabas na siya ng kwarto. Inihatid ko pa siya hanggang sa labas at sumakay na siya ng kotse niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis si Adam.

Muntik na yon ah!

Whew!

Alam naman nina Ate Gem na ex ko si Adam, kaso awkward pa rin kung sakaling malaman niya na magkasama kami dito sa bahay.

Kinaumagahan, paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Ate Gemma, nagbe-breakfast sa kitchen.

"Ang aga mo ata nagising Ate Gem?" tanong ko sa kanya. Usually kasi mga 8:00 A.M. na siya nagising, eh 6:00 A.M. pa lang.

"Eh si Harris kasi, agang aga, tumawag kaagad, nagso-sorry. Hindi na ako makatulog ulit."

"Sus, kinikilig ka lang! Hahaha!" pang-aasar ko.

"Loka! Eh teka, asan na si Adam?" tanong niya.

"Ha??"

Baka naman nabingi lang ako. Baka naman mali ang narinig ko?

"Sabi ko, asan na si Adam, andito siya kagabi diba?"

Hindi ako makapagsalita. Paano niya nalaman?

"I saw his car sa labas nung dumating ako,"sabi pa niya.

Aaarrgghh!!! Stupid! Oo nga pala, yung kotse ni Adam.

Ang t@nga ko!


EX with Benefits (COMPLETED)Where stories live. Discover now