Chapter 42: "Elites Game Part 2"

7.5K 692 610
                                    

a/n: Enjoy~

*****

"Hop!"

"1.. 2.. 3.. 4.." Lucas yawned. "..5"

Muling tumalon si Chloe saktong-sakto sa panglimang bilang. "Hop!" Nakadipa pa ang pareho n'yang kamay para mapanatili ang balanse ng katawan. Masayang-masaya s'ya sa ginagawa n'ya, kabaliktaran ni Lucas na inaantok na nakatanaw sa building ng administration office. May malambot na sofa sa gitna ng lobby no'n na pwede n'yang tulugan. He knows every Royalonda's best sleeping spots.

Lumingon si Chloe sa kasama sabay pout. "Mr. Magician, keep counting!"

Napabuntong-hininga na lang si Lucas. Maaliwalas ang panahon ngayon. Ito ang pinakamagandang araw para matulog. Hindi dapat 'to sinasayang sa mga laro.

"..4..5.." bilang ni Lucas habang ginugulo ang sariling buhok. Sinadya n'yang lagpasan ang 1, 2 at 3 dahil alam n'yang tatlong segundo ang sinayang n'ya sa pagpapantasya ng malambot na sofa.

"Hop!" Isa na namang perpektong talon ang ginawa ng Master Bunny. "Two hundred twenty-six hops na lang, tapos na. Waaah. I want more."

Lucas unconciously made some calculations in his mind. 226 multiply to 5 is 1,140. He still needs to count 1,140 seconds before having the chance to sleep. That will be exactly 19 minutes. Alam n'yo ba kung gaano kahaba ang 19 minutes na 'yon para kay Lucas? He'll hate this day forever.

Samantalang sa kabilang side ng Royalonda kung nasaan ang TeaCaf, may hindi inaasahang bagay ang nangyari. Kasalukuyang hawak ni Francine Pradel ng Lexon si Ayuri Alvarez sa leeg nito gamit ang isang kamay. Hindi gano'n kahigpit ang hawak kaya hindi dumadaing si Ayuri at hindi rin mapatawan ng paglabag sa rules si Francine tungkol sa paggamit ng dahas.

Nakapaikot sa kanila ang iba pang mga player ng laro. Kung bibilangin, apat na team ang nasa eksena ngayon. Ang team ng Lexon, ang mga taga-Devan, ang grupo ng Emblaire High at sila Ayuri.

Si Dylan at Hannah na naiwang kasama ni Ayuri ay parang naging mga hostage na binabantayan ng mga ka-team ni Francine. Pareho silang hindi makaalis sa pwesto nila. Tuwang-tuwa lang na nanonood ang iba pang team sa ginagawa ni Pradel. Walang nakikisali o umaawat. Gusto nilang makita ang gagawin ni Pradel sa babaeng walang takot na nanghamon sa kanila no'ng meeting.

Umikot ang anim na drones sa ibabaw ng mga manlalaro. Ang dalawang emcee ng Elites Game ay hindi mapigilan ang excitement habang sinusubukang iannounce sa mga nanonood ang nangyayari at pwedeng mangyari. Napapanood nila ang nakukunan ng drones sa pamamagitan ng napakalaking screen na pinwesto sa mismong gitnang parte ng main building.

Sa ngayon, nagbi-blink ang asul na ilaw sa band ni Ayuri. Indikasyon na si Francine ang captain ng Lexon at pwede s'ya nitong utusan.

"Ni hindi ka man lang lumaban, Summers," bulong ni Hannah sa katabi. Masyadong mabilis ang nangyari kanina. Napagtulungan sila.

"I tried protecting her. Hindi lang ako nakagalaw ng maayos dahil sa higpit ng hawak mo sa damit ko." Uh-huh. Idagdag pang walang humpay sa pagtili kanina si Hannah no'ng naambush sila. Mahirap nga naman ang naging trabaho ni Dylan. Wala na tuloy s'yang nagawa no'ng nahawakan s'ya ni Theo Fortez na captain ng Devan Highschool. Nag-command 'to ng, 'don't move' kay Dylan. Kaya ngayon, sampung minutong hindi pwedeng gumalaw ang Top 2 ng Feight.

Nag-cross arms si Hannah. Tulad ni Dylan, may captain din na nakahawak sa kan'ya. 'Yon ay ang captain ng Emblaire High na si Paris. Inutusan s'ya nito ng 'back off'. May kasama pa ngang 'bitch'. Parang gusto na tuloy gumamit ng dahas ni Hannah Velasquez.

Talagang napag-initan sila. Nagtulungan na ang iba, mahuli lang sila. Ni hindi natakot ang mga 'to na i-expose kung sinong mga captain ng bawat team na present sa lugar na kinatatayuan nila.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon