Chapter 46: "Babysitters (Part 2)"

5.4K 554 1.1K
                                    

a/n: Yep. I'm still breathing. Haha. Enjoy reading!

*********

"The application for our exchange student program to be sent in one of Royalonda's partner schools in abroad is now open. We've already narrowed down the list of potential candidates to you, the students present in here right now.

"If you are interested in becoming an exchange student for three months, feel free to send your application to the President's office. Sir Estebar will personally do further assessment and choose the students who will fill the ten slots," pagpapaliwanag ni Ayuri Alvarez sa main topic ng nasabing meeting. Tulad ng madalas na senaryo, dalawa lang sila ni Leeroi ang present sa meeting ng mga napiling estudyanteng may pagkakataong maging exchange students.

"The program will start in two months. Hindi lahat ng nandito, interesado sa posisyon pero ma-appreciate namin kung makakapagpasa agad kayo ng applications and requirements kung interesado man kayo. And this is also the only perfect time you'll have to ask us questions about this. Itatry namin ni Yuri na sagutin lahat ng concerns n'yo," dugtong naman ni Leeroi na nakatayo sa tabi ng Top 1 nila. Tulad ng nakagawian, magaan n'yang nginitian ang mga taong nakaupo at nakatingin sa kanila.

Maganda ang sikat ng araw ngayon. Kakaunti lang ang ulap sa langit ngunit hindi gano'n kainit dahil sa panaka-nakang ihip ng hangin. Isa itong mapayapang araw kung kaya naman hindi mapigilan ni Roi na lalong mapangiti. Wala s'yang kaide-ideya na malapit nang masira ang araw na iniisip n'yang maganda.

Nagtaas ng kamay ang isang estudyante para magtanong. "Bakit kailangan n'yo pang mamili ng exchange students galing sa 'min? Bakit hindi na lang lahat ng members ng Feight ang maging representative ng Royalonda? I'm sure, you all passed the qualifications."

This is the question everyone is curious about. Wala namang pagdadalawang-isip na sinagot 'to ni Ayuri. "Feight has a lot of duties to do, not just this event. To manage everything, isang Feight member lang ang isasama sa exchange students. Pipili sa 'min si Sir Estebar, tulad ng proseso sa inyo."

Nagkaroon ng bulungan. Madami ang napapaisip na dahil sa nabanggit ni Ayuri. May chance silang makasama ang isang Feight member sa loob ng three months? That's thrilling. Siguradong halos lahat na ngayon ay nagiging interesado na sa pagiging exchange student.

Pero may iba pa ring nagdadalawang-isip. Tulad na lang ng isang estudyanteng nagtaas ng kamay ngayon. "What are the benefits of being an exchange student?"

Leeroi answered right away. "This could give you endless opportunities in the future. Being an exchange student will let you have the chance to gain multiple connections with powerful individuals. Also, you will be able to learn their culture, develop your critical thinking by learning in a completely different way and help you prepare for university. The partner school to which you will be sent is in New Zealand. We also prepared brochures for you." Ginesture n'ya ang hawak din n'yang brochure. "What a great asset in your profiles to have a record of being an exchange student, right?"

Napatango nang sunod-sunod halos lahat. What a great offer indeed? Talaga ngang magandang mag-aral sa Royalonda lalo na't may ganitong mga program. No wonder, naging successful lahat ng alumni nito.

Hinayaan ni Leeroi at Ayuri na magpalitan ng ideya ang mga estudyanteng nasa loob ng meeting room. Tahimik nilang pinanood ang mga 'to habang nag-uusap kung gaano kaganda ang idudulot ng pagiging exchange students. Kasama na sa pinapanood nilang dalawa ang isang grupong nasa bandang sulok ng meeting room. Sila Misha, Harper, Errol at Elizabeth ang mga 'yon.

Para kay Ayuri, hindi na nakakapagtakang napasama sa candidates ang tatlong nandoon pero si Elizabeth Cordel? Maybe she did good in academic this past few months. At ang mas nakakapagtaka pa kaysa d'yan ay ang pagiging tahimik ni Misha Hernandez. Wala 'tong sinasabing kahit anong complain na halata namang hobby nitong gawin tuwing kaharap ang kahit na sinong myembro ng Feight.

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now