Chapter 50: "Stealer's Ally"

5.1K 428 680
                                    

a/n: Hellooo. Since it's an uneventful Sunday, let's enjoy an update! Bago ang update, here's my own fanart of Dylan Summers.

Tapos isasama ko na rin 'tong fanart ko ni Ayuri Alvarez na matagal ko nang nagawa pero nakalimutan kong ilagay dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tapos isasama ko na rin 'tong fanart ko ni Ayuri Alvarez na matagal ko nang nagawa pero nakalimutan kong ilagay dito.

Yeah, I'm a fan of my own characters!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yeah, I'm a fan of my own characters!

Let me also see your fanarts! Pwede kayong sumali sa facebook group page ng MYSTERIAS. Nando'n ang mga reader ng stories ko. Do'n din ako minsan nagpopost ng random things. See you there!

And enjoy reading!

***********

A usual day in Royalonda. Ito ang pangalawang araw na wala sa campus si Dylan Summers. Sa kasalukuyan, wala pa namang nirereport si Lucas na gulo. Who knows? Baka ngayong araw magsimula ang pagsasaya ng mga basag-ulo sa Royalonda High.

Kasalukuyang busy sa paggawa ng eroplanong papel si Chloe Zamora. Tuluyan na yatang bumigay 'yong utak n'ya kaya 'yong mga reports n'yang rejected ay ginagawa na lang n'yang eroplano o 'di kaya ay bangka. 'Yong iba, muntik na n'yang kainin. Tapos ay may hawak s'yang nakabukas na payong. Kulay pink na bunny umbrella, syempre. Kulang na lang, tumawa s'ya nang walang dahilan habang bumubulong.

Si Sindrick, kahit alas-dyes pa lang ng umaga ay nakaka limang tasa na ng kape. Hindi mapigilan ni Hannah na panoorin s'yang uminom habang may awa at panghuhusgang ekspresyon. Hindi n'ya maimagine kung gaano karaming kape ang nauubos ni Sindrick sa isang araw. Lalo na nitong mga nakaraang linggo. Si Hannah na yata ang ninenerbyos.

"Sindrick," bungad ni Zen na nanggaling sa likod ng tinawag na kaklase. Hinawakan n'ya pa 'to sa balikat para makuha agad ang atensyon nito.

Pero mukhang napasobra 'yon dahil nagulat si Sindrick at napabuga pa nga ng kape. Buti na lang at nakapayong si Chloe kaya hindi s'ya nabasa. S'ya kasi 'yong kasalukuyang nakaupo sa harap ng Top 6 nila. Para doon pala 'yong payong. Paano ba naman? Kasing dami na ng tasa ng kapeng nainom ni Sin ang bilang ng pagbuga n'ya ng iniinom kapag nagugulat ngayong araw.

"Zen?! Bakit ka naman nanggugulat?!" Ilang beses na napahinga ng malalim si Sindrick. Tumalon yata 'yong puso n'ya sa simpleng tawag na 'yon. Hindi n'ya napansing may lumapit sa kan'ya kaya nagulat s'ya no'ng may humawak sa balikat n'ya.

FEIGHT (Famous Eight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon