Chapter 7: "Claiming Territory"

11.8K 761 122
                                    

"Now, tell me, what happened?" seryosong tanong ni Danilo Estebar habang nakaupo sa swivel chair n'ya. Sa harap n'ya ay ang Feight, si Bren, Chelsy at dalawa pang babaeng kaklase ni Chelsy na napagtripan din.

"Mr. President, excuse me. Can I just go? Wala naman akong kinalaman dito," mataray na pagpapaalam ni Hannah.

Umiling ng bahagya si Leeroi. "Lahat tayo, responsable sa nangyari, Hannah. Kailangan nating harapin ang consequence."

Kumikinang naman ang mga mata ni Chloe na nakatayo sa tabi ni Zendra. Nagtanong 'to ng, "Ipapatawag n'yo po ang parents namin? Magkaka-record na po ba ako sa guidance sa wakas?"

"Anong 'sa wakas'?" bwelta ni Zendra sa kaibigan. "Matagal mo nang inaabangang mangyari 'to? Minsan, nakakatakot ka, Chloe."

"Ako, ginawa ko ang part ko. Madaming witness na magpapatunay na sinubukan ko silang pigilan," paglilinis agad ni Sindrick sa pangalan n'ya.

"I don't mind getting punishment. I got satisfaction today." -Dylan

"Kung hindi naman talaga dahil kay Dylan at Lucas, hindi tayo mapupunta sa sitwasyong 'to." -Sindrick

"I'm guilty." -Dylan

"Hindi mo man lang itatanggi?" -Sindrick

"I should have kicked him out the other window." -Dylan

Napatigil saglit si Sindrick at tinitigan si Dylan. Inabot ng ilang segundo bago ulit s'ya nakapagsalita. "Tell me you're not a criminal before."

Sa kaliwa ni Sindrick, hindi naman nagsasalita si Lucas para depensahan ang sarili n'ya. Paano s'ya magsasalita kung natutulog na naman s'ya.. habang nakatayo?

Lucas, isa kang superhuman.

"Woy." Siniko ni Sindrick ang katabi n'yang si Lucas. "Natutulog ka na naman!"

Nag-angat bigla ng ulo si Lucas at tumingin ng diretso sa presidente ng school na taas ang dalawang kilay habang tinitignan s'ya pabalik. He yawned. "I was in the clinic when everything happened."

"Seryoso ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ni Zendra. Tinignan n'ya si Lucas. "Gumagawa ka ng alibi? Really? Matapos makita ng isang buong section ang ginawa n'yo?"

"I'm really in the clinic that time." -Lucas

Sa lahat ng nangyayari sa paligid ngayon, isa lang ang sigurado. Walang balak na umamin si Lucas Madrid at paninindigan n'ya hanggang dulo ang alibi n'ya.

"These guys." Naiiling na lang si Zendra. Hindi na n'ya kinakaya ang mga kasama n'ya sa grupo. Malamang, bago s'ya grumraduate, gan'yan na rin s'ya mag-isip.

"So.. Meron bang may balak magkwento sa inyo ng nangyari, o ano?" sa wakas ay pagsasalita na ulit ni Danilo matapos makinig sa bangayan ng Feight members.

"Nineteen aggravated freshmen, ten currently detained seniors, three harassed female students and one traumatized 4th year student who have 90% chance of developing acrophobia. Those are the casualties," sabi ni Ayuri. Sa lahat ng taong nasa loob ng office, mukhang s'ya lang ngayon ang may focus at nagtuon ng pansin sa tanong ng presidente.

"Kasalukuyang nanggugulo ang grupo nila Bren Aurillo sa room ng first years, section Captain, no'ng dumating si Lucas, Dylan at Sindrick. I believe, they just did their duties as Feight members." -Ayuri

Kumunot ang noo ni Danilo. "So you're saying, throwing someone out of the window is just one of the duties of Feight?"

"If necessary," kalmadong sagot ni Ayuri.

Dahil do'n, biglang nag-hysterical si Bren. "Necessary?! Ang sabihin n'yo, mga sira-ulo lang kayo!"

"Mr. Aurillo, I don't tolerate such language here in my office." -Danilo

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now