Chapter 12: "Feight and Stealer #2"

10.7K 691 238
                                    

"Dyl, Luke, you see them?" hinihingal na tanong ni Zendra. Sa buong buhay n'ya, ngayon na lang ulit s'ya hiningal. Minsan, nakakainis ding sobrang laki ng Royalonda. Ang hirap maghanap pag may kailangan kang hanapin.

"No," sagot ni Dylan. Prente lang s'yang nakaupo sa bench na nasa ilalim ng isang puno at kumakain ng Popsicle na nabili n'ya sa cafeteria. Medyo mainit ang panahon ngayong araw. Kailangan n'ya ng refresher.

Nasa taas naman ng puno si Lucas habang may hawak na binoculars. Ginagamit n'ya 'yon para masundan ang isang babae sa pagtakbo nito. At tulad ni Dylan, kumakain din s'ya ng Popsicle. Pa-chill-chill lang habang ang ilan nilang mga ka-member ay nagkakandarapang naghahanap sa buong campus.

"Hindi ba talaga natin sila tutulungan?" Si Chloe naman ang sunod na nagtanong. Nakaupo s'ya sa tabi ni Dylan at kumakain din ng nabili naman n'yang ice cream.

Ibinaba ni Lucas ang hawak na binoculars. "They said, you should stay here 'cause you have asthma."

"But can we buy them ice cream, too? Ang sarap nitong melon flavor." -Chloe

"Really?" Interesadong tinignan ni Ayuri si Chloe. Nawala agad ang focus n'ya sa kinakain n'yang avocado flavor. Sa bench, tatlo silang nakaupo. Si Ayuri sa kanan, si Chloe sa gitna at si Dylan sa kaliwa. "Can I have some?"

"Sure!" Malawak ang ngiti sinubuan ni Chloe si Ayuri. "'Yaaan. Masarap 'di ba?"

Saglit na nilasahan ni Ayuri ang ice cream bago tumango-tango ng mabagal. Kahit wala pa ring emosyon, may kinang sa mga mata n'yang inalok kay Chloe ang hawak na avocado flavor. "You want to trade?"

Tumawa ng parang kinikiliti si Chloe Zamora. Sinway pa nga n'ya ang mga paa n'yang medyo nakaangat dahil may kaliitan s'ya. Sinabi n'yang, "Ayokooo. Sabihin mo munang please."

"Please," sabi ni Ayuri gamit ang usual n'yang expression na walang kabuhay-buhay at monotone ang boses.

Chloe gave her a big smile. "Okay!" Saka sila nagpalit ng kinakaing ice cream. Napakadali n'yang kausap, hindi ba?

"Ghaaad. I can't find them anywhere," pagod na pagod na reklamo ni Hannah sa walkie-talkie. Ang pawis n'ya, tumutulo na mula sa baba n'ya. Once in a blue moon lang makitang pawisan si Hannah. Siguradong magiging memorable ang araw na 'to.

Huminto rin sa paghahanap saglit si Leeroi. "Maybe.." Huminga s'ya saglit. "Maybe, we should think for another plan."

Si Sindrick naman ang nagsalita na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng isang vendo machine. Hawak n'ya sa kanang kamay n'ya ang nabiling cola. Nagsalita rin s'ya sa walkie-talkie, "Pag nag-lunch break na, mahihirapan na tayo. Dadami na ang estudyante sa paligid."

Nakisali sa usapan si Chloe. "Kaya n'yo 'yan, bunnies ko! Nag-promise si Dylan na ililibre n'ya kayo ng ice cream after this!"

"She's a spy. Don't listen to her," Dylan responded.

"Waaah! Hindi ako spy!" -Chloe

"She's coming," anunsyo ni Lucas sa tatlong kasama. Tumayo na si Ayuri at mabilis na kinain ang natitirang ice cream. Pagkatapos n'yang itapon ang lalagyan no'n, tinanaw n'ya ang babaeng nagmamadaling maglakad palagpas ng first year building.

"You need someone to guard you?" tanong ni Dylan. Inubos na rin n'ya ang kinakain n'yang Popsicle.

"No need," tanggi ni Ayuri sa alok nito. Binalingan n'ya si Dylan at tinignan 'tong mabuti. "I just need to borrow something to you." Tapos ay nilipat n'ya ang tingin n'ya kay Lucas. "And buy me some time."

*********

Tumingin sa paligid si Misha Fernandez para makita kung may tao sa paligid. No'ng masigurado n'yang wala ay lalo n'yang binilisan ang paglalakad n'ya papuntang main building.

FEIGHT (Famous Eight)Where stories live. Discover now